Ogie Diaz, may payo kay Fyang Smith: "Big winner ka pa mandin"
- Isa si Ogie Diaz sa mga nagbigay payo kay Fyang Smith
- Ito ay matapos na mag-viral ang ilan sa mga naging pahayag nito at maging nagagawa nito sa harap ng camera at maging ng live audience
- Ilan sa mga ito ay ang naging pahayag niya na walang tatalo sa batch nila sa PBB at mga hindi umano kaaya-ayang nagawa sa mga kapwa PBB housemate habang sila ay nasa entablado
- Paalala ni Ogie, hindi lahat ay mauunawaan ang pagpapakatotoo ni Fyang lalo na at tila lumalabis na umano ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nagbigay ng payo ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz para kay Pinoy Big Brother (PBB) Generation 11 big winner Fyang Smith, matapos itong ma-bash online dahil sa kanyang mga naging pahayag at kilos sa isang show.

Source: Facebook
Ayon kay Ogie, nabatikos si Fyang matapos nitong sabihin na “walang makatatalo sa PBB batch Gen 11” na kinabibilangan niya.
Bukod dito, napansin din ng publiko ang mga aksyon niya kahit nasa harap ng kanilang fans at kasama ang iba pang housemates, na tila hindi nagustuhan ng ilan.
Nagbigay pa ng masinsinang payo si Ogie kay Fyang, ani niya:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Ako naman, hindi porque tayo yung big winner, tayo yung pinakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya. Wala namang problema sa pagpapakatotoo pero syempre lahat ng sobra nakakasama. So, sumusobra kang nagpapakatotoo, matatalo ka rito. Kasi ija-judge ka nang ija-judge ng mga tao.”
Dagdag pa niya, “Hindi lahat ng pagpapakatotoo ay tanggap ng mga tao. Lalo na nama-magnify ka kasi ikaw yung artista e. ‘Pag nakaahon na tayo, nakalabas na tayo sa Bahay ni Kuya, dapat nag-iiba na tayo ng direksyon. Hindi porque ganun kakalog sa loob, paglabas mo tatanggapin kang ganun.”
“Kaya kung ako kay Fyang — kung gusto lang naman niya no? — sana konting renda. At isipin mo pa rin na iniidolo ka ng kabataan,” ani Ogie.
"Sayang e, andiyan ka na anak o. Big winner ka pa mandin ‘do ba? Mas magandang big ang tingin nila sa’yo”
Maging ang kilalang komedyante na si Pokwang ay nagbigay din ng makahulugang payo para kay Fyang, kung saan sinabi niya ang bahaging: “Be humble.”
Matatandaang si Fyang ang tinanghal na big winner ng PBB Gen 11 matapos niyang makuha ang simpatiya ng manonood dahil sa kanyang pagiging totoo at masayahin sa loob ng Bahay ni Kuya. Ngunit ayon sa mga beteranong personalidad gaya nina Ogie at Pokwang, mahalaga ring malaman ni Fyang ang limitasyon at responsibilidad bilang isang iniidolo ng publiko.
Si Fyang Smith (Ashley Sofia Dansico Smith), ipinanganak noong Mayo 14, 2006 sa Mandaluyong, ay isang Filipino-American na social media personality, model, at aktres. Nakilala siya bilang “Anakabogerang Influencer ng Mandaluyong” matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Gen 11 noong Oktubre 26, 2024, kung saan nakuha niya ang 30.66% ng boto mula sa publiko, nagwagi ng P1‑million cash kasama na ang isang bahay at lote.
Kamakailan ay naging viral ang performance niya sa kanyang pinakaunang concert kung saan isa sa kanyang itinanghal ay ang bersyon niya ng 'Kilometro' na awitin ni Sarah Geronimo. Sa ngayon, malapit na ring ipalabas ang proyekto ni Fyang sa iWantTFC ang "Ghosting' kung saan kasama ang kapwa PBB Gen11 housemate na si JM Ibarra. Teaser pa lang, umabot na umano sa 8 million views ang kauna-unahang seryeng pagbibidahan ng dalawa.
Bago pasukin ang mundo ng showbiz, una nang gumawa ng pangalan si Fyang sa TikTok kung saan patok sa kabataan ang kanyang mga videos dahilan upang magkaroon na siya ng milyon-milyong subscribers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh