Mika Salamanca, dinonate ang buong P1M na 'PBB' prize money sa orphanage sa Pampanga
- Si Mika Salamanca ay labis na hinangaan dahil sa kabutihan ng kanyang puso
- Kamakailan ay ipinost ng Sparkle Artist Center ang ginawa na ito ni Mika
- Matapos kasing manalo sa 'PBB' ngayong taon, inilaan ni Mika ang P1M niya sa orphanage
- Dahil dito ay marami ang pumuri sa desisyon na ito ng vlogger-actress online
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mika Salamanca, ang vlogger‑turned‑actress na tinanghal na 'Big Winner' ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, ay muling pinahanga ang publiko sa kanyang likas na kabutihang‑loob.

Source: Instagram
Noong Saturday, July 12, ibinahagi ng opisyal na Instagram page ng GMA Sparkle Artist Center ang ilang larawan ni Mika habang masayang nakikipagkuwentuhan sa mga elderly people. Makikita sa bawat kuha ang ngiti ni Mika at ang tunay na saya ng mga lola na kanyang dinalaw.
Ngunit higit na naging usap‑usapan ang post dahil sa pahayag ng Sparkle sa ginawang donasyon ni Mika sa isang child-caring institution. "After donating her entire ₱1M prize to 'Duyan ni Maria' orphanage, #PBBCelebrityCollabEdition Big Winner Mika Salamanca continued her outreach by visiting a community of elderly residents to extend her gratitude and compassion," aniya Sparkle.
Sa parehong viral post, tinawag pa nila si Mika na isang "BIG WINNER with a BIG HEART."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang sa 'Celebrity Collab Edition' ng PBB, si Mika at ang kanyang ka‑duo na si Brent Manalo ang nag‑uwi ng titulo bilang Big Winners na labis na ikinatuwa ng marami.
Hindi nagdalawang‑isip si Mika na ilaan ang buong ₱1 milyong papremyo sa Duyan ni Maria, isang lokal na ampunan sa Pampanga, upang mas mapaunlad ang pangangalaga sa mga bata.
Hindi naman nagpaawat ang netizens sa pagbuhos ng papuri sa comment section. Marami ang nagsabing nararapat lamang ang pagkapanalo kay Mika bilang Big Winner dahil hindi lang siya mahusay sa loob ng bahay—may 'puso' rin siya para sa kapwa kahit pagkatapos ng kompetisyon.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Mika Salamanca ay isang Filipina actress, vlogger, at social media influencer. Unang nakilala si Mika bilang isang YouTuber noong 2017 at dito niya ipinakita ang kanyang lifestyle at song covers. Mabilis din siyang nakakuha ng higit 4.5 million subscribers sa kanyang YouTube at pati na rin sa iba pang social media platforms. Noong 2025 naman, sumabak si Mika sa reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kung saan kinilala siya bilang Big Winner kasama ang kanyang duo partner na si Brent Manalo matapos manalo sa finale ng nasabing programa.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Mika Salamanca matapos niyang gawan ng updated version ang isa sa kanyang mga iconic na video. Nag-umpisa ang kasalukuyang trend nang i-repost ng mga netizen ang video ni Mika habang kumakanta ng 'Sino Nga Ba Siya' na una nang naging viral noon. Hindi naman nagpahuli ang Kapuso star sa pakulo at nagbiro pa nga online.
Samantalang isa naman si Mika Salamanca sa itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother: Collab Edition. Ibinahagi niya ang emosyonal na karanasan at binalikan din ang kanyang kabiguan noong una siyang sumubok sa PBB. Pinasalamatan niya ang kanyang mga ka-duo, tagasuporta, at buong production team ng programa dahil sa naibigay nilang experience.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh