Melai Cantiveros, mas piniling mag-barko kesa mag-plane papuntang Cebu
- Nag-viral kamakailan lang ang komedyante na si Melai Cantiveros dahil sa kanyang post
- Sa Instagram, ibinahagi ni Melai na kinailangan niyang pumunta sa Cebu para sa trabaho
- Ngunit, imbis na eroplano ang kanyang mode of transpo, mas pinili ni Melai ang mag-barko
- Aniya Melai, takot daw kasi siya talagang mag-eroplano, ngunit kailangan niyang mag-work
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Melai Cantiveros, isang Kapamilya actress at komedyante, ay muling kinaaliwan ng netizens matapos niyang ibahagi ang naging desisyon niyang bumiyahe patungong Cebu sakay ng barko.
Sa kanyang Instagram post noong Friday, July 11, ibinahagi ng aktres ang ilang mga larawan nila ng kanyang asawa na si Jason Francisco habang sila ay sakay ng barko ng 2GO papuntang Cebu.

Source: Instagram
Ayon kay Melai, malaki ang takot niya sa paglipad kaya't pinili niyang bumiyahe sa pamamagitan ng barko, lalo na't mahalaga para sa kanya ang mai-promote ang Kuan On One Season 3 sa Cebu.
Aniya ng Kapamilya actress sa kanyang opisyal na Instagram, "Shout out to my Papangkemkem kasi sinamahan ako talaga kasi from the very first place, takot ako mag-plane pero kasi, hindi pwede [na] di mag-promote ng Kuan On One Season 3 sa Cebu. So wala akong choice, kaysa mawalan ako ng work, I made up my mind [na] mag-barko via 2GO (22 hours, Manila-Cebu)."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa nasabing post, ibinahagi rin niya ang saya't ginhawa ng kanilang biyahe. Nilinaw niyang hindi ito paid ad, kundi genuine appreciation lamang sa 2GO, "Sa tuwa namin sa accomodation nila and sa ganda pala and malaki ang barko, napanatag ang puso ko kahit kakaalis lang ng bagyong Bising, pero kasi kasama ko rin si Papang kaya laban na lang ako with the guidance ni Lord."
Sa huli, taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Melai sa Diyos para sa kanilang ligtas na paglalakbay, pati na rin sa mga staff ng barko. "In Jesus' name, salamat talaga, Lord, sa smooth and safe biyahe namin pa-Cebu. Andito na kami," pagtatapos niya sa kanyang viral online post.
Swipe left para makit ang iba pang pictures:
Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagpasaya ng mga netizens si Melai Cantiveros. Kamakailan ay nag-post si Bianca Gonzalez ng picture ng tradition sa 'PBB.' Ngunit may napansin ang iba sa mga pictures na ipinost ni Bianca. Sa nasabing picture, makikita kasi ang interaction nina Melai at Robi Domingo.
Samantalang naging usap-usapan si Melai Cantiveros dahil sa kanyang Instagram post. Kamakailan lang ay may nilinaw kasi na "rumored" post ang aktres sa kanyang page. May nag-post kasi ng "rumor" na buntis si Melai at aalis na ang mister niya sa showbiz. Agad naman itong in-address ng actress-host.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh