Netizens, naiyak at nalula sa ibinigay ni Donny Pangilinan sa dati niyang paaralan
- Si Donny Pangilinan ay naging usap-usapan sa social media kamakailan lang
- Binisita kasi ni Donny ang kanyang dating paaralan bago sila lumipat sa Laguna
- Aniya pa niya, "This school is very close to my heart because I basically grew up here"
- Ngunit, ang viral moment sa kanyang vlog ay ang sorpresang inihanda niya para sa school
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Pinahanga at pinaiyak ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan ang maraming netizens sa social media matapos nitong sorpresahin ang kanyang mga dating grade school teachers.

Source: Youtube
Kamakailan lamang ay naglabas ang Kapamilya actor ng isang 33-minute vlog sa kanyang YouTube channel, kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagbabalik sa dati niyang paaralan.
Sa simula ng nasabing vlog, nagbigay si Donny ng context tungkol sa paaralan na ito at kung kailan siya pumasok rito noon: "Okay, so backstory, for those who don't know. Before Brent and moving to Laguna, I used to study in this small school called Learning Tree. It's a small Christian school where me and my siblings went, it's also the school where some of my cousins went."
Matapos ay ibinahagi naman ni Donny kung gaano kahalaga sa kanya ang Learning Tree, at kung paano siya nito hinubog bilang bata: "This school is very very close to my heart because I basically grew up here. As a young boy, there were a lot of values that they taught me." Dagdag pa niya, "Looking back sa childhood ko, siguro wala talagang Donny ngayon kung walang Learning Tree."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pagdating sa paaralan, masayang binati ni Donny ang mga guŕo at staff, at pati na rin ang mga estudyante. Ngunit ang ikinagulat ng lahat ay ang inihanda niyang regalo para sa paaralan.
Sa latter part ng video, makikitang may hawak siyang malaking sintra board para sa school: "On behalf of Donato, I would like to offer this to The Learning Tree and you can use this however you please cause I trust that your judgment is right so I will be giving you a cheque of 1 million pesos."
Umabot ng P1 milyon ang donasyong ibinigay ni Donny sa paaralan bilang pasasalamat sa naging papel nito sa kanyang pagkatao. Agad na umani ng papuri mula sa netizens ang ginawa na ito ng Kapamilya star, at karamihan sa kanila ay hindi napigilang maging emosyonal sa napanood:
"Grabe, naka-smile lang ako buong panonood ko."
"What a vlog! Naluha talaga ako. Thank you for this."
"This just made me cry, super. The man that you are, Donny!"
"Sana all has a heart like his. I will be forever proud of looking up to him."
"Donny is so kind and generous. He is so genuine. Upon watching the video, nakakaiyak kasi I'm a teacher too."
Sa isang panahon kung kailan bihira ang mga kwento ng pasasalamat, muling pinatunayan ni Donny na hindi niya kailanman malilimutan ang mga ugat ng kanyang pinanggalingan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Donny Pangilinan ay isang kilalang Filipino actor, model, host, at video jockey. Anak siya nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, na kapatid ni Senator Francis Pangilinan. Pumasok siya sa showbiz noong 2016 bilang VJ ng MYX at ngayon ay bahagi na ng ABS-CBN. Simula 2018, umusbong ang kanyang career sa pelikula at telebisyon. Nakilala siya sa 'DonBelle' na love team kasama si Belle Mariano, na kapwa bida niya sa hit series na He's Into Her at sa primetime serye Can't Buy Me Love, na naging malaking breakthrough para sa career ng dalawang artista.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong June ay sumulat si Donny Pangilinan ng isang nakakaantig na pagbati para kay Belle Mariano. Sinelebrate kasi ni Belle ang kanyang ika-23 kaarawan noong June 10. Dinaan ni Donny sa kanyang Instagram Stories ang birthday wish niya para sa kanyang on-screen partner. Kalaunan, nagbigay rin ng sagot ang birthday celebrant sa kanyang page.
Samantalang noong April ay hinangaan ng marami si Donny Pangilinan sa pagtulong na ginawa niya kamakailan. Isang X user kasi ang nag-shout out sa kabutihang ginawa na ito ni Donny sa kanila. Maging si Ogie Diaz ay humanga sa kabutihan ni Donny na hindi niya ipinaglandakan sa social media, isang bagay na labis pa ngang pinuri ng iba niyang fans at pati na rin netizens.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh