Sharon Cuneta, may post ukol sa pag-withdraw nila ng cyberlibel case kay Cristy Fermin
- Si Sharon Cuneta ay naging usap-usapan dahil sa kanyang recent online post
- Kamakailan ay nag-post si Megastar tungkol sa pag-withdraw niya ng kaso
- Matatandaang ibinalita ni Ogie Diaz na winithdraw na ni Sharon ang kaso laban kay Cristy Fermin
- Kasunod nito ay isang post na nagpaantig sa puso ng mga netizens dahil sa puso ng Megastar
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Sharon Cuneta, ang nag-iisang Megastar ng lokal na showbiz, ay muling naging usap-usapan sa social media matapos niyang maglabas ng damdamin kaugnay sa pagbawi ng cyberlibel case na isinampa nila ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan laban kay Cristy Fermin noong 2024.

Source: Instagram
Unang ibinahagi ang balita ng showbiz personality na si Ogie Diaz sa isang Facebook post, kung saan binigyang-diin niya ang halaga ng pagpapatawad at personal na pag-uusap sa halip na laging sa korte idaan ang mga hindi pagkakaunawaan pagdating sa mundo ng lokal na aliwan.
"Hindi naman sa korte lang lagi ang lugar para ipaglaban ang karapatan at katotohanan. Pwede namang mag-usap nang puso-sa-puso. Hanggang sa pairalin ang pagpapatawad," aniya Ogie.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasunod nito, nag-post si Sharon sa social media ng ilang screenshots ng mga artikulo tungkol sa pagbawi ng kaso. Kalakip nito ay isang makabagbag-damdaming mensahe mula sa nag-iisang Megastar: "Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan! Na-miss ko si Nay. My heart is so happy and at peace, @romelchika."
Ang naging hakbang ng mag-asawang Sharon at Kiko ay umani ng papuri mula sa mga netizens. Marami ang natuwa at humanga sa kanilang bukas na puso at pagpapatawad kay Cristy:
"Napakabait talaga ninyo."
"Your heart is pure as ever, Mega."
"Sobrang lambot ng puso niyong mag-asawa, more blessings."
"Yan ang dahilan kung bakit napakaraming nagmamahal sayo, Mama."
"Aaaa, thank you, mama! Thank you for being you. Sobrang ganda ng desisyon ko na ikaw talaga ang suportahan at mahalin forever."
Sa kabila ng mga kontrobersiya, patuloy na pinapakita ni Sharon kung bakit siya tinaguriang Megastar — hindi lamang dahil sa kanyang husay bilang artista, kundi dahil sa kanyang puso.
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Sharon Cuneta ay isang aktres at singer sa Pilipinas na kilala bilang 'Megastar' sa industriya. Sinimulan niya ang kanyang karera sa murang edad, at agad na sumikat sa kanyang awiting Mr. DJ noong dekada 70. Mula noon, sunod-sunod ang kanyang tagumpay sa pelikula, telebisyon, at musika at nagwagi siya ng maraming parangal sa larangan ng entertainment sa bansa. Ilan sa kanyang mga iconic na pelikula ay Bituing Walang Ningning, Madrasta, at Caregiver. Sa personal niyang buhay, siya ay asawa ni Francis 'Kiko' Pangilinan at ina ng aktres na si KC Concepcion.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Sharon Cuneta ang mga larawan ng kanyang new look kung saan makikita siyang may maikling buhok. Sa Instagram, naglagay siya ng caption na nagpapahiwatig na napagod na siya sa pagpo-ponytail at bumalik na siya sa kanyang "short hair era." Ang bagong ayos ay nagpapaalala sa mga fans ng Megastar noong kanyang kabataan.
Samantalang dumulog si Sharon Cuneta sa social media upang ipahayag ang kanyang pasasalamat. Nag-post si Sharon ng isang nakaaantig na reel sa Instagram tungkol sa kanyang asawa. Kasama ng video ay isang 'thank you' note para sa lahat ng sumuporta kay Kiko Pangilinan. Sa kanyang post, labis ang ipinakitang appreciation ni Megastar sa mga tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh