Ai-Ai Delas Alas, ibinahagi ang naging experience niya sa Divisoria: "Kaloka, suplada sila nung una"
- Si Ai-Ai Delas Alas ay tila nag-viral sa social media dahil sa kanyang nakakaaliw na post
- Sa Instagram, ikinuwento niya na nagpunta sila ng kanyang anak na si Sancho sa Divisoria
- Ngunit, habang sila ay nasa Divisoria, may ikinuwento si Ai-Ai tungkol sa isang tindera
- Aniya pa nga ng 'Queen of Comedy' sa kanyang post, "parang ewan" daw ang pangyayari
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Ai-Ai Delas Alas, kilalang aktres at komedyante, ay pinasaya ang kanyang mga fans matapos niyang ibahagi ang masayang karanasan sa Divisoria kasama ang anak na si Sancho Vito.

Source: Instagram
Sa Instagram, ikinuwento ni Ai-Ai ang masaya nilang bonding at nagbahagi rin ng video kung saan makikita silang nakasakay sa isang tricycle — na talagang kinagiliwan ng mga netizens.
"Masaya ang lakad namin sa Divi... Tuwang tuwa kami ni Sancho, the good son," panimula ni Ai-Ai sa kanyang post. Ikinuwento rin niya ang mga nakakatawang obserbasyon niya, "Kanya kanyang character ang mga nagtitinda... may napuntahan pa nga kami, bilihan ng cling wrap and aluminum foil... naka-mask kasi ako, pero super tsika ako sa kanila," ani pa ng komedyante.
Ibinahagi rin niya na nakipagkulitan siya sa isa sa mga tindera, "Sabi ko, 'Ate, bakit malungkot ka?' Sabi niya, 'Puyat ako.' Akala ko naman sa work, haha nood daw kasi siya ng Chinese series. Kaloka, ate, ano ba yan, baliktad diba? Dapat ang customer ang tsinitsika ng nagtitinda."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin nakaligtas sa kanyang kwento ang reaksyon ng mga nagtitinda bago pa siya makilala.
"Kaloka, suplada sila nung una, nung may nagpa-picture na customer nila, nagtanggal ako [ng] mask, bumait. Parang ewan hahahaha," dagdag pa ni Ai-Ai sa kanyang makuwelang online post.
Sa dulo ng post, nagpasalamat si Ai-Ai sa tricycle driver na naghatid sa kanila, "Thank you nga pala kay BILOG, ang aming tricycle driver sa paghatid... ang layo kasi ng parkingan," aniya Ai-Ai.
Muling pinatunayan ni Ai-Ai na kahit sa simpleng lakad sa Divisoria, kaya niyang magbigay saya at halakhak — hindi lang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa mga tao sa paligid niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Ai-Ai Delas Alas ng taos-pusong parangal sa Instagram kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis. Inilarawan niya ang Santo Papa bilang isang ilaw ng pananampalataya at kinilala ang kanyang hindi matatawarang pamana. Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 sa Vatican matapos ang unti-unting paghina ng kalusugan.
Samantalang nagbahagi si Ai-ai Delas Alas ng mensahe sa engagement ng anak na si Sancho Vito. Mula pagkabata hanggang prom dates ay nasaksihan ni Ai-Ai ang relasyon nina Sancho at Paula. Tinawag ni Sancho ang nobya na si Paula bilang "padala ni Lord" sa isang post sa Instagram. Buong pusong inalay ni Ai-Ai ang pasasalamat sa Diyos para sa milestone ni Sancho.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh