“Panay ride niyo sa hate train” – Sharlene San Pedro, may banat sa trending hate
- Naglabas ng pahayag si Sharlene San Pedro sa X hinggil sa pambabatikos sa viral food vlog
- Aniya, hindi patas ang panghuhusga batay lamang sa pinaikling bersyon ng video
- Ipinunto niya na hindi lahat ng Pilipino ay may parehong hilig sa pagkaing Pinoy
- Maraming netizens ang hinalang isang sikat na girl group ang pinatutungkulan ng aktres
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Trending si Sharlene San Pedro matapos siyang maglabas ng kanyang opinyon hinggil sa isang viral na food reaction video na iniugnay ng netizens sa isang sikat na girl group.

Source: Instagram
Sa kanyang post sa X (dating Twitter), iginiit ni Sharlene na hindi makatarungan ang mabilisang paghusga ng mga tao lalo na’t ang pinagbatayan lamang ay isang trimmed down na bersyon ng buong video. Aniya, “pa rant.. bakit kaya ang daming taong nagrereact at humuhusga sa naka trim down na video? kahit di niyo pa naman napanuod yung buong video sa yt 😶.”
Dagdag pa niya, hindi maiiwasan na may mga Pilipinong hindi hilig ang ilang pagkaing Pinoy. “saka hello di talaga lahat ng pinoy ay trip ang lahat ng filipino food. 😌,” ayon kay Sharlene. Tinawag din niyang “hate train” ang sunod-sunod na batikos sa video, at iginiit na may mga tao lang na sumasakay sa isyu dahil sa pagiging relevant ng topic. Dahil dito, ipinahayag din ng aktres na io-off na niya ang replies sa kanyang post para maiwasan ang labis na negahan: “guys ayoko ng nagpupuksaan iooff ko na yung replies ko 😶.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagama’t hindi pinangalanan ni Sharlene kung sino ang tinutukoy niya, marami sa mga netizens ang naniniwalang may kinalaman ito sa food vlog ng isang all-girl group na lumabas sa YouTube show na People Vs Food. Sa nasabing video, pinatikim ang mga miyembro ng mga pagkaing Pinoy gaya ng balut, kwek-kwek, isaw, at taho. Nag-viral ito matapos mapansin ng netizens ang umano’y negatibong reaksyon ng ilang miyembro sa mga pagkaing Pilipino. Dahil dito, maraming batikos ang inani ng grupo, kabilang na ang mga akusasyong “nagbago na sila” mula noong nagsimula sila sa industriya.
Si Sharlene San Pedro ay isang batikang aktres na unang sumikat bilang child star sa “Star Circle Quest” noong 2004. Lumaki siya sa harap ng kamera at ngayon ay aktibo rin bilang content creator at recording artist. Madalas ay hindi tahimik si Sharlene pagdating sa mga isyu sa social media, lalo na kung tingin niya ay mayroong hindi patas na pagtrato sa kapwa artista o personalidad.
Kamakailan lang ay ibinahagi ni Sharlene na natupad na niya ang isa sa kanyang matagal nang pangarap—ang makabili ng kanyang dream car. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, nabili niya ito matapos ang dalawang dekadang pagtatrabaho sa showbiz. “Finally nabili ko na siya. 20 years in the making,” ani Sharlene. Isang patunay ito ng kanyang tiyaga at disiplina sa pagtatrabaho.
Samantala, naging viral din si Sharlene sa social media nang kumalat ang isang video mula sa ABS-CBN Ball 2025. Sa ulat ng Kami.com.ph, nilinaw ng aktres na wala siyang sama ng loob sa nangyari at hindi niya ito tinitingnan bilang isang kahiya-hiyang sandali. Sa halip, tinanggap niya ito nang may humor at pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh