Matet de Leon sa mga gumagawa ng TikTok videos kay Nora Aunor: "Nakakaloka, dami ko na na-save"

Matet de Leon sa mga gumagawa ng TikTok videos kay Nora Aunor: "Nakakaloka, dami ko na na-save"

  • Si Matet de Leon ay tila nag-viral sa social media dahil sa kanyang latest post
  • Kamakailan ay ibinahagi ni Matet sa Instagram ang isang video ni Nora Aunor
  • Sa nasabing video, makikita ang pahayag ni Nora sa pagiging ina kay Matet
  • Naantig talaga ang puso ng marami sa caption naman ni Matet tungkol sa video

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Matet de Leon, isang kilalang aktres at anak ng yumaong Superstar na si Nora Aunor, ay naging sentro ng atensyon sa social media matapos niyang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa mga netizens sa TikTok na patuloy na gumagawa ng mga tribute videos para sa kanyang ina.

Matet de Leon sa mga gumagawa ng TikTok videos kay Nora Aunor: "Nakakaloka, dami ko na na-save"
Matet de Leon sa mga gumagawa ng TikTok videos kay Nora Aunor: "Nakakaloka, dami ko na na-save" (@misismatet)
Source: Instagram

Noong Monday, July 7, nag-repost si Matet sa kanyang Instagram ng isang edited video clip ng isang lumang panayam kay Nora, kung saan buo ang loob ng aktres sa pagiging ina ni Matet.

"Kaya si Matet, natural na rin siguro yun dahil yung bata talagang nagkakapangalan, sumisikat, so marami talaga ang gustong umangkin sa kanya na siya yung nanay. Pero alam ko na ako lang ang nanay nun," ani Nora sa interview. Matapos ang pahayag, sinundan ito ng ilang matatamis na video clips ng mag-ina sa mga nakaraang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-nanay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa caption ng kanyang post, tugon ni Matet: "Yes, ma. Wala na pong iba. Credits to the owner of the video. I would like to thank also yung mga taong gumagawa ng videos ni mommy." Ibinahagi rin niya kung paanong paulit-ulit niyang pinapanood ang mga edited clips: "Nakakaloka, ang dami ko na na-save. Paulit ulit na pinapanood. Keeps her memories alive. Thanks to all of you."

Matatandaang pumanaw si Nora Aunor noong April 16, 2025 sa edad na 71. Sa kabila ng kanyang pagkawala, patuloy ang pagbuhos ng pagmamahal para sa kanya, at kamakailan lamang ay ginawaran siya ng Medal of Merit ng Malacañang kasama ang ilan pang mga personalidad.

Sa tulong ng mga tribute videos online, muling nabubuhay ang alaala at pamana ni Nora sa puso ng kanyang mga tagahanga—at higit sa lahat, sa puso ng kanyang anak na si Matet.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Matet de Leon ay isang beteranang aktres sa Pilipinas na nagsimula bilang child star noong dekada '80. Lumaki ang kanyang karera sa pagganap sa pelikulang Bunsong Kerubin at nagpatuloy sa pag-arte sa mga drama at romance films at telebisyon. Anak sa pag-aampon nina Superstar Nora Aunor at aktor na si Christopher de Leon, si Matet ay patuloy na tumatatak sa mga teleserye tulad ng Sa Dulo ng Walang Hanggan, The Legal Wife, at FPJ's Ang Probinsyano. Bukod sa kanyang talento sa pag-arte, si Matet ay isa ring bukas na tagapagsulong ng mental health awareness sa publiko, matapos niyang ideklara na may bipolar disorder noong 2022.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay emosyonal na nagsalita si Matet de Leon sa isang TikTok video kaugnay ng pag-iyak niya habang nagla-live selling. Nilinaw niyang hindi siya naiyak dahil nahihiya siya sa ginagawa niya kundi dahil sa masasakit na komento ng ilang manonood. Isa sa mga pinakamasakit na natanggap niya ngang komento ay may kinalaman kay Nora Aunor.

Samantalang noong April ay dumaan si Matet de Leon sa social media upang ipahayag ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang anak. Kamakailan, nag-post si Mishka, anak ni Matet, ng isang madamdaming tribute para sa kanyang lola na si Nora Aunor. Matapos nito, ni-repost ni Matet ang tribute ni Mishka sa kanyang Instagram stories kalakip ang isang mensahe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco