JM Ibarra, may paalala sa netizens: “Ingat sa fake news at spliced videos”

JM Ibarra, may paalala sa netizens: “Ingat sa fake news at spliced videos”

  • Umani ng pansin ang pahayag ni Fyang Smith tungkol sa pagiging “genuine” at “authentic” ng PBB Gen 11
  • Ipinaliwanag ni Fyang na ang kanyang sinabi ay isang biro lamang at walang intensyong makasakit
  • JM Ibarra naglabas ng mensahe ukol sa pagpapakalat ng spliced videos at fake news
  • Hinimok ni JM ang lahat na piliin pa rin ang kabaitan sa social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nag-viral online ang isang pahayag ng Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith matapos ang isang masaya at masiglang pahayag kung saan nabanggit niya ang pagiging solid ng kanilang batch sa reality show.

JM Ibarra, may paalala sa netizens: “Ingat sa fake news at spliced videos”
JM Ibarra, may paalala sa netizens: “Ingat sa fake news at spliced videos” (📷@_iamsofiasmith/Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang naging mensahe, binigyang-diin ni Fyang ang pagiging tunay at totoo ng mga miyembro ng Gen 11, dahilan kung bakit aniya’y mahirap tapatan ang kanilang grupo.

Ani ni Fyang, “Alam mo, kahit ilang batch pa ’yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello? Gen 11? Breaking… Highest… Hello? Hindi! Joke lang! Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami gano’n mga ugali namin.”

Bagama’t ang pahayag ay bahagi ng masayang usapan, naging sentro ito ng talakayan online. Sa kabila nito, maraming tagahanga at kasamahan sa industriya ang nagpahayag ng suporta sa aktres, kabilang na si JM Ibarra—ang kanyang ka-loveteam at kapwa ex-housemate. Sa isang Facebook post, nagpaalala si JM sa publiko na mag-ingat sa mga nilalaman online na puwedeng iligaw ang tunay na konteksto ng mga sinasabi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Ingat tayong lahat sa fake news at spliced videos na galing sa mga clout chasing pages. Choose to be kind tayo palagi,” saad ni JM.

Ang mensahe ni JM ay umani rin ng papuri mula sa kanilang fans, na pinasalamatan ang aktor sa kanyang pagiging mahinahon at maunawain. Sa ngayon, nananatiling positibo ang pananaw ni Fyang sa gitna ng maingay na usapin. Wala pa siyang inilalabas na hiwalay na pahayag tungkol dito, ngunit patuloy pa rin ang kanyang suporta at pasasalamat sa kanyang mga tagahanga.

Si Fyang Smith ay isa sa mga bagong bituin ng Kapamilya network na unang nakilala bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Gen 11. Kilala siya sa kanyang masayahin at authentic na personalidad, dahilan kaya naging malapit siya sa puso ng maraming manonood. Matapos ang PBB, pumasok siya sa showbiz kung saan nabigyan siya ng acting projects, TV guestings, at maging pagkakataong makapaglabas ng sarili niyang album. Kasama rin niya sa maraming proyekto ang ka-loveteam niyang si JM Ibarra.

Sa isang viral TikTok video, ipinasilip nina Fyang Smith at JM Ibarra ang kanilang chemistry at husay sa pagsasayaw. Mabilis itong nag-trend online, na nagpasaya sa kanilang fans. Ang video ay patunay ng natural na koneksyon ng dalawa sa on at off cam.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic kaugnay ng seryosong banta laban kay JM Ibarra. Ipinahayag ng pamunuan na tutok sila sa kaligtasan ng kanilang talents at hindi nila kukunsintihin ang anumang anyo ng banta o harassment. Umani ng suporta si JM mula sa kanyang fans at fellow artists.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate