Julia Montes, may paalala sa mga babaeng gustong agawin si Coco Martin

Julia Montes, may paalala sa mga babaeng gustong agawin si Coco Martin

  • Ibinahagi ni Julia Montes ang isang pabirong pero malaman na mensahe para sa sinumang babaeng balak agawin si Coco Martin
  • Sa isang vlog guesting, tinawanan ng aktres ang usapan ngunit binalikan ang pagiging kontrabida bilang babala
  • Hindi itinanggi ni Julia na dumaan siya sa insecurities, lalo na sa timbang, pero natutunan niyang yakapin ang sarili
  • Matagal na raw ang relasyon nila ni Coco ngunit pinili nilang maging pribado bago ito lantaran sa publiko

Game at candid na sinagot ni Julia Montes ang ilang maiinit na tanong tungkol sa relasyon nila ng long-time partner na si Coco Martin sa isang vlog episode ng content creator na si Euleen Castro, o mas kilala sa social media bilang “Pambansang Yobab.”

Julia Montes, may paalala sa mga babaeng gustong agawin si Coco Martin
Julia Montes, may paalala sa mga babaeng gustong agawin si Coco Martin (📷@montesjulia08/Instagram)
Source: Instagram

Sa kalagitnaan ng masayang usapan, napunta ang tanong sa karakter ni Coco bilang si Tanggol sa “Batang Quiapo.” Tinukso si Julia kung ano ang pakiramdam na jowa niya ang isang karakter na “hindi mamamatay.” Tumawa ang aktres at pabirong bumanat ng, “Sa mga girls, alam niyo na?”—na agad namang umani ng tawanan sa vlog.

Nagpatuloy ang asaran nang itanong ng isa pang vlogger na si Kevin kung anong kaya niyang gawin bilang partner ni Coco. Sagot ni Julia: “Lahat ng yun pwede maging ako in one day,” na tumutukoy sa iconic kontrabida roles niya bilang Clara at Sara. At sa mas matapang niyang banat, sinabi niyang, “Subukan ninyong magkamali.”

Bagama’t biruan ang tono ng vlog, maraming netizens ang natuwa sa pagiging prangka at confident ni Julia. Kita raw ang pagmamahal at proteksyon niya sa kanilang relasyon. Sa parehong vlog, naging open rin ang aktres tungkol sa insecurities niya sa katawan noon. Ayon sa kanya, bilang half-German at half-Filipina, hindi siya naturally petite—kaya’t minsan ay sumasagi sa isip niya na hindi siya tugma sa “standard beauty” ng industriya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pero ngayon, mas tanggap na raw niya ang kanyang katawan at mas pinipili ang mga flowy outfit na nagpapakomportable sa kanya.

Matagal nang usap-usapan sa showbiz ang relasyon nina Julia Montes at Coco Martin, pero ilang taon rin silang nanatiling tahimik. Sa wakas, inamin nilang matagal na silang magkarelasyon. Kahit hindi agad naging bukas ang dalawa, ramdam ng fans ang chemistry nila—mula “Walang Hanggan” hanggang sa kanilang muling tambalan.

Minsan na ring umugong ang balita na mayroon na silang anak, pero sa kabila ng ispekulasyon, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa. Mas pinili nilang isentro ang mga interview sa karera at sa mga proyekto.

Sa isang hiwalay na panayam, ibinahagi ni Julia kung paano naging “compass” o gabay si Coco Martin sa kanyang buhay. Bukod sa pagiging partner, malaking tulong daw si Coco sa mga importanteng desisyon niya sa karera at personal na buhay. Kilala si Coco sa pagiging hands-on hindi lang sa trabaho kundi pati sa kanyang mga mahal sa buhay.

Nilinaw ni Julia ang kumakalat na tsismis tungkol sa pagkakaugnay nila ni Coco Martin kay child star Zia Grace. Ayon sa aktres, hindi sila ang mga magulang ng bata. Tila sa kabila ng openness nila bilang couple, may mga haka-haka pa rin na pilit isinusulong ng ilan online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate