Alex Gonzaga, naloka sa video ng kanyang lookalike: "Magkakagulo pa kami!"

Alex Gonzaga, naloka sa video ng kanyang lookalike: "Magkakagulo pa kami!"

  • Si Alex Gonzaga ay tila nag-viral dahil sa kanyang nakakaaliw na reaksyon
  • Kamakailan ay nag-viral kasi ang video ng isang agent na tila 'lookalike' niya
  • Dahil dito ay agad na napa-comment si Alex at may hirit pa nga sa ahente na ito
  • Bumuhos tuloy ang mga nakakaaliw na comment at jokes mula sa mga netizens

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Alex Gonzaga, isang aktres at vlogger, muling pinasaya ang netizens matapos niyang mapansin at mag-react sa isang viral video sa TikTok na nagpapakita ng kanyang umano'y "lookalike."

Ang nasabing video ay in-upload ng user na si @jzvhrmsa o mas kilala bilang Mamah Jaz, kung saan makikita ang kanyang ahente na tila kuhang-kuha ang hitsura at pati na rin vibe ni Alex.

Alex Gonzaga, naloka sa video ng kanyang lookalike: "Magkakagulo pa kami!"
Photos: @cathygonzaga on Instagram | @jzvhrmsa on TikTok
Source: Instagram

Sa 14-second video, biro pa nga ni Mamah Jaz, "Guys, ahente ko si Alex Gonzaga! Hahaha!" Dagdag pa niya sa caption ng viral TikTok video na talagang proud daw siya rito, "HAHAHAHAHA As a trainer, I'm proud of you. Grabe! Ang lala ng twinning niyo [ni] Alex Gonzaga."

Dahil sa sobrang pagkakahawig ng ahente kay Alex, umani ito ng libo-libong views at comments mula sa mga netizens na hindi rin napigilang matawa sa similarities ng aktres sa agent sa video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman nagpahuli si Alex at nagbigay ng nakakatawang reaksyon sa video: "Wag niyo ipapakita kay Mikee yan! Magkakagulo pa kami!" Dahil dito, lalo pang naging nakakatawa ang comment section, kung saan bumuhos ang mga hirit ng netizens sa nasabing lookalike:

"HOOYY HAHAHA Lagot na kay Mommy Pinty!"
"Uy grabe, pati yung reaksyon niya pang-Alex din."
"Mas kamukha pa niya si Alex kesa sa totoong Alex."
"Yan talaga ang totoong Alex Gonzaga, nagka-amnesia lang siya!"
"Okay naman ata ang career ni Alex sa vlogging ah, bakit nag-agent pa?"

Sa viral video, muling napatunayan ni Alex ang kanyang kakayahang magdala ng good vibes.

Panoorin ang video sa ibaba:

Alex Gonzaga, naloka sa video ng kanyang lookalike: "Magkakagulo pa kami!"
Screenshot mula sa TikTok ni @jzvhrmsa
Source: TikTok

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagdala ng good vibes online si Alex Gonzaga. Noong Thursday, June 19, ibinahagi ni Alex ang isang nakakaaliw niyang video sa hotel. Marami naman ang naaliw sa todo-bigay na pagsasayaw ni Alex kahit siya ay jetlag pa rin. Pero mas nag-viral nga ang video dahil sa kakaibang suporta ng kanyang mister sa video at sa pagsasayaw niya.

Samantalang noong May ay nagpahayag ng pasasalamat si Alex Gonzaga sa mga taga-Lipa. Noong Tuesday, May 13, ibinahagi ni Alex ang ilang larawan mula sa kampanya ni Mikee Morada. Sa kanyang mahabang post online, ibinahagi ni Alex kung paano nila ni Mikee sinalubong ang taong 2025. Nagpasalamat din siya sa mga Lipeño para sa kanilang suporta at boto kay Mikee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco