Pokwang, nagbigay ng payo kay Fyang Smith: "Be humble iha"

Pokwang, nagbigay ng payo kay Fyang Smith: "Be humble iha"

  • Viral ang pahayag ni Fyang Smith sa fan meet ng PBB Gen 11 tungkol sa pagiging “best batch” na umani ng milyong views at mixed reactions
  • Hindi nagustuhan ni Pokwang ang “pagyayabang” at nagkomento sa clip na umabot ng 7.3 million views
  • Pinayuhan niya si Fyang na maging mapagpakumbaba at inalala ang kanyang 21 taon sa industriya
  • Hinimok din ng komedyante ang fans ni Fyang na gabayan ito dahil delikado ang epekto ng biglang kasikatan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mainit pa rin ang usapan online matapos mag-viral ang video ni Fyang Smith, ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Gen 11, kung saan may pasaring itong sinabi tungkol sa pagiging “pinakamagaling na batch” sa PBB history.

Pokwang, nagbigay ng payo kay Fyang Smith: "Be humble iha"
Pokwang, nagbigay ng payo kay Fyang Smith: "Be humble iha" (📷Marietta Subong/Facebook, @_iamsofiasmith/IG)
Source: Facebook

Sa isang fan meet noong Abril 5, nakuhanan ng video si Fyang habang sinasabi:

“Alam mo, kahit ilang batch pa ‘yan, walang makakatalo sa batch namin… Gen 11? Breaking? Highest concurrent viewers? Hellooo?”

Kahit sinundan niya ito ng “joke lang,” hindi ito sapat upang hindi maapektuhan ang damdamin ng ilang netizens at fans ng iba pang PBB seasons—lalo na ang tagasuporta ng PBB Celebrity Collab Edition.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umabot sa higit 7.3 million views ang nasabing clip sa social media, dahilan upang makarating ito kay Pokwang, isa sa mga batikang artista sa industriya. Sa comment section ng viral post, nag-iwan siya ng payo para kay Fyang:

“My God, iha, 21 years na ako sa showbiz. At ang sekreto, BE HUMBLE, iha… ‘Wag munang magyabang. Bad ‘yan.”

Hindi rin pinalampas ni Pokwang ang mga fans na nagtanggol kay Fyang at nagsabing “cut” o putol umano ang video. Nilinaw niyang kahit biro, mahalagang alamin kung kailan at paano ito ibinibitiw—lalo na kung nasa isang public event. Pahayag pa ng komedyante:

“Guide her. Kasi, nakakalunod talaga ang fame… Sayang kung mapapabayaan siya.”

Ayon sa ilang netizens, hindi masama ang intensyon ni Fyang, ngunit mainam rin ang payo ng mas nakatatanda—lalo na kung mula sa beteranong tulad ni Pokwang, na kilala sa pagiging prangka at tunay na nagmamalasakit sa kapwa artista.

Si Fyang Smith ay ang tinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother: Gen 11, isang season na umani ng mataas na online engagement at sumikat dahil sa relatability ng mga housemates. Subalit sa gitna ng kanyang pagsikat, dumaan na rin siya sa ilang isyu gaya ng overconfidence at online bashing. Sa kabilang banda, si Pokwang ay isang respected actress-comedienne na aktibo sa showbiz nang mahigit dalawang dekada. Kilala rin siya sa pagiging vocal sa mga isyung personal at pampubliko.

Sa isang viral na post, tinawag ni Pokwang na "enablers" ang ilang netizens na patuloy na dumedepensa sa ex-partner niyang si Lee O’Brian. Hindi rin siya nagpatinag sa mga basher at sinabing alam niya ang totoong nangyari sa kanilang relasyon. Ayon sa kanya, kailangan ipaglaban ang sarili lalo na kapag may anak kang kailangang protektahan.

Nagulat ang komedyante nang matuklasang ginagamit ang kanyang bahay bilang umano’y staycation rental sa isang scam. Agad siyang nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) upang ipa-imbestiga ang insidente. Hinikayat din niya ang publiko na mag-ingat at laging beripikahin ang mga online bookings.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate