Lorin Gutierrez Bektas sa presyo ng nose job: “$70,000? I’d rather look like Pinocchio!”
- Naibahagi ni Lorin Gutierrez Bektas sa kanyang TikTok live ang plano niyang ipa-enhance ang kanyang ilong ngunit nabigla siya nang malaman ang presyo nito sa Los Angeles
- Ayon sa kanya, umabot sa $70,000 o mahigit P3 milyon ang sinabing halaga para sa isang “very subtle” na pagbabago sa kanyang ilong
- Ikinumpara pa ng anak ni Ruffa Gutierrez ang presyo sa tatlong Hermès Birkin bags at sinabi niyang mas pipiliin pa niyang manatiling may “big nose”
- Napag-isipan tuloy ni Lorin na baka mas mabuting mag-aral na lamang siya bilang plastic surgeon dahil tila "maganda ang kita" sa larangang ito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nawindang si Lorin Gutierrez Bektas matapos malaman ang presyo ng pagpaparetoke ng ilong sa Estados Unidos. Sa isang candid TikTok live session kung saan sabay siyang nagbibigay ng makeup tutorial, ibinahagi ng panganay na anak nina Ruffa Gutierrez at Turkish businessman Yilmaz Bektas ang kanyang karanasan sa pag-inquire tungkol sa nose enhancement surgery.

Source: Instagram
“I start calling plastic surgery offices in L.A., just curious, ‘Oh, what would the cost be?’ Please guess how much these people are quoting me – 70 thousand dollars. Isn’t that like P3 million?” kwento ni Lorin.
Natawa at natulala na lang siya nang marinig ang halaga. Dagdag pa niya, “Excuse me, I would rather look like Pinocchio for the rest of my life than pay that money.” Sa halip na isagad sa ilong ang milyon-milyon, mas gugustuhin na lang daw niyang bumili ng tatlong Birkin bags.
“Seventy-thousand dollars, I’ll buy myself, literally, three Birkins, and have my big nose gladly. What the F!” ani pa ni Lorin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aminado si Lorin na ang nais niyang baguhin sa kanyang ilong ay “very subtle,” at hindi naman siya nagrereklamo sa itsura nito. “There’s just like slight tweaks… I’m not asking them to break my nose and remove the bone.” Kaya naman lalo siyang naloka nang malaman ang napakataas na quotation.
Bukod pa rito, naibahagi rin ni Lorin ang kanyang opinyon na baka mas maganda kung sa Turkey, kung saan nakatira ang kanyang ama, siya magpa-retoke. “I don’t know if I might. If I get one, I’ll vlog it. Trust I’ll vlog it for you, guys,” pangako pa niya sa kanyang followers.
Sa kalagitnaan ng usapan, nabanggit din ni Lorin ang posibilidad na magpalit ng career path: “I think I wanna be a plastic surgeon. Because I think plastic surgeons make bank. It would be fun.” Dagdag pa niya, “If you’re a plastic surgeon, the worst thing that could happen is just you make someone pangit.”
Kahit tila biro ang tono, kapansin-pansin ang openness ni Lorin sa mga ganitong usapin—isang katangian niyang kinagigiliwan ng netizens.
Si Lorin ay anak ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez at ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. Isinilang at lumaki siya sa Pilipinas, ngunit ngayon ay nag-aaral ng Advertising sa Pepperdine University sa California, USA. Bukod sa pagiging isang content creator, kilala rin si Lorin sa kanyang openness sa lifestyle, beauty, at mental health topics. Hindi man pa-showbiz, malaki ang interes ng publiko sa kanyang mga social media updates, lalo na’t kilala ang kanyang pamilya sa industriya.
Ipinakita ni Lorin ang kanyang malapit na relasyon sa anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Zion. Sa pamamagitan ng isang Instagram story, ipinahayag ni Lorin ang kanyang pagmamahal at suporta kay Zion, na kanyang pinsan. Nag-viral ang simpleng pagbati dahil sa genuine at heartfelt na mensahe.
Masayang nakasama nina Lorin at ng kanyang kapatid na si Venice ang kanilang Turkish dad na si Yilmaz Bektas sa isang bonding trip sa Turkey. Matapos ang mahabang panahon na pagkakahiwalay, tila muling nabubuo ang mas malalim na relasyon ng mag-aama. Marami ang natuwa sa mga larawang ibinahagi nila sa social media na nagpapakita ng kanilang reunion.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh