Shuvee Etrata, sinagot ang paghahambing kina Maymay at Melai: “It’s constructive criticism”

Shuvee Etrata, sinagot ang paghahambing kina Maymay at Melai: “It’s constructive criticism”

  • Sa isang panayam sa Your Honor, nilinaw ni Shuvee Etrata ang kanyang saloobin tungkol sa matagal nang paghahambing sa kanya kina Maymay Entrata at Melai Cantiveros
  • Ayon sa kanya, tinanggap niya ito bilang isang anyo ng constructive criticism at hindi bilang insulto, dahil pareho silang Bisaya ng dalawang aktres
  • Ibinahagi rin ni Shuvee na maaaring nakuha niya ang ilang mannerisms ng dalawa mula sa panonood sa kanila noong siya ay mas bata pa
  • Sa kabila ng mga bashers, ipinakita ni Shuvee ang kanyang tiwala sa sarili at ipinagmalaki ang kanyang pinanggalingan bilang isang tunay na Bisaya

Sa pinakabagong episode ng YouLOL Originals vodcast na Your Honor nitong Hulyo 5, 2025, matapang na hinarap ni Sparkle artist Shuvee Etrata ang mga usapin tungkol sa matagal nang paghahambing sa kanya sa kapwa Bisaya stars na sina Maymay Entrata at Melai Cantiveros.

Shuvee Etrata, sinagot ang paghahambing kina Maymay at Melai: “It’s constructive criticism”
Shuvee Etrata, sinagot ang paghahambing kina Maymay at Melai: “It’s constructive criticism” (📷@shuveeetrata/IG)
Source: Instagram

Naging bukas si Shuvee sa kanyang mga sagot sa mga tanong nina Chariz Solomon at Buboy Villar, kung saan malinaw niyang ipinahayag ang kanyang saloobin sa mga batikos at pagkukumpara online. “Nung una I was always compared to Maymay [Entrata] and then even during PBB I was compared with Ate Melai [Cantiveros], so I take it as like constructive criticism nga po kasi sila nga po ay Bisaya rin,” sabi niya.

Dagdag pa ni Shuvee, maaaring dala ng subconscious influence mula sa panonood sa mga naturang artista ang ilang pagkakatulad sa kanilang mannerisms. “It could be my nuisances are also [similar], siguro kasi napapanood ko rin sila before kaya ganito ako,” paliwanag niya.

Sa halip na maapektuhan ng bashers, pinili ni Shuvee na yakapin ang kanyang pagkatao. “It’s just that I’m Bisaya. And then a lot of my friends are also like this,” aniya pa. Ang kanyang katapatan at kumpiyansa ay umani ng papuri mula sa mga netizens, lalo na mula sa mga kababayan niyang Bisaya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kilalang aktibo sa social media si Shuvee, at mabilis siyang sumikat sa showbiz matapos makilala sa “Pinoy Big Brother” at ilang viral na TikTok videos. Sa kanyang pagsikat, natural lamang na naging bukas siya sa iba't ibang opinyon, ngunit pinatunayan niya sa interview na hindi siya matitinag basta-basta.

Si Shuvee Etrata ay isang rising star mula sa Visayas na naging kilala bilang isa sa mga standout personalities ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Bukod sa pagiging aktres, sikat din siya bilang digital creator na may milyon-milyong views sa social media. Kilala siya sa kanyang likas na Bisaya charm at pagiging totoo sa sarili.

Sa isang eksklusibong panayam, inamin ni Shuvee Etrata na nasaktan siya sa ilang pangyayari sa loob ng Pinoy Big Brother, partikular sa naging sitwasyon nila ni AZ. Gayunpaman, pinili niyang magpatawad at mag-move on, aniya, “Wala po akong galit. I understood the situation.” Pinuri ng mga netizens ang kanyang maturity at dignified na pananaw sa buhay.

Umani ng atensyon online ang naging reaksyon ni Melai Cantiveros sa isang sweet moment sa pagitan nina Shuvee at AZ na napanood sa PBB. Sa viral video, napangiti at napasigaw si Melai na tila kinikilig sa nakita. Marami ang natuwa sa interaction, lalo’t parehong Bisaya sina Shuvee at Melai kaya’t madalas silang ihalintulad sa isa’t isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate