Bianca de Vera, niregaluhan ng multi-million luxury car ng mga magulang bago ang Big Night ng PBB

Bianca de Vera, niregaluhan ng multi-million luxury car ng mga magulang bago ang Big Night ng PBB

  • Nakatanggap si Bianca de Vera ng isang mamahaling Mercedes-Benz luxury van mula sa kanyang mga magulang bilang regalo bago siya pumunta sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, na ikinagulat at ikinasaya ng aktres
  • Makikita sa Instagram Story ng kanyang ina na si Aileen ang emosyonal na reaksyon ni Bianca habang iniabot sa kanya ang susi ng sasakyan at habang pinupuno ito ng mga bulaklak at regalo mula sa kanyang mga fans
  • Ayon sa mga tagahanga ni Bianca, ang natanggap niyang sasakyan ay isang Mercedes-Benz V-Class V220 d Avantgarde Extra Long na may tinatayang halagang ₱5.9 milyon, na kilala bilang isa sa mga pinakasosyal at kumportableng modelo ng luxury van
  • Ang aktres ay masayang nagpasalamat sa kanyang pamilya at mga tagasuporta, at sinabing isang malaking biyaya ang pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa kanila, kasabay ng pagbabahagi ng inspirasyon na natamo niya mula sa PBB journey niya

Tila naging big winner na agad si Bianca de Vera kahit bago pa man umabot sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nitong Sabado, Hulyo 5, 2025. Sa gitna ng kasiyahan ng PBB season finale, isa pang malaking sorpresa ang dumating para sa young actress—isang multi-million luxury van na regalo mula sa kanyang mga magulang.

Bianca de Vera, niregaluhan ng multi-million luxury car ng mga magulang bago ang Big Night ng PBB
Bianca de Vera, niregaluhan ng multi-million luxury car ng mga magulang bago ang Big Night ng PBB (📷@biancadeveraa/Instagram)
Source: Instagram

Sa Instagram Stories na ibinahagi ng kanyang ina na si Aileen, makikitang hindi napigilan ni Bianca ang tuwa at emosyon matapos makita ang bago niyang sasakyan. Ayon sa mga fan pages, ang naturang regalo ay isang Mercedes-Benz V-class V220 d Avantgarde Extra Long, na tinatayang nasa halagang ₱5.9 milyon.

Nagsimula ang video sa loob ng kanilang bahay kung saan makikitang iniabot ni Mommy Aileen ang susi ng sasakyan kay Bianca. Paglabas nila, tumambad ang elegante at bagong kotse, na puno ng bulaklak at mga regalong galing pa sa kanyang mga tagahanga. Agad na niyakap ni Bianca ang kanyang ina at nagpasalamat sa sorpresa. “Blessings talaga mommy sila,” ang tanging nasabi ni Bianca tungkol sa pagmamahal ng kanyang fans.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang nasabing kotse ay isang high-end model na kilala sa comfort at luxury, bagay na bagay para sa aktres na ngayon ay patuloy na umaarangkada sa mundo ng showbiz. Naging usap-usapan din sa social media ang pagiging supportive ng mga magulang ni Bianca, na parehong matagumpay sa kani-kanilang larangan. Si Mommy Aileen ay isang importer na konektado rin sa fashion industry, habang ang ama niyang si Mon ay nasa industriya ng life safety systems at isang kilalang racecar driver.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging highlight ang sasakyan sa buhay ni Bianca. Matatandaang nag-viral ang isang insidente kung saan hindi niya napigilang maiyak habang nasa loob ng na-tow na sasakyan. Sa ulat ng KAMI, ipinakita ng aktres ang kanyang vulnerable side habang humaharap sa isang hindi inaasahang aberya:

Bukod dito, naging usap-usapan din kamakailan ang isang pahayag ng kanyang ina na si Aileen, na humiling sa publiko ng patas na pagtingin para kay Bianca sa loob ng PBB house. Buong tapang niyang ipinaglaban na “Bianca deserves to be there,” matapos ang ilang kontrobersya sa online discussions:

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate