Sue Ramirez, pinuri matapos i-share ang mga "habits" na kanyang binitawan na
- Nag-viral kamakailan lang ang aktres na si Sue Ramirez dahil sa kanyang posts
- Sa Threads, ibinunyag ni Sue ang mga "habits" na kanya nang binitawan for good
- Aniya pa nga ng aktres, akala niya noon ay mahihirapan siyang tanggalin ang mga ito
- Gayunpaman, nagawa niya ito, at marami ang talagang bumilib sa kanyang determinasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Sue Ramirez, isang kilalang aktres at mang-aawit, ay umani ng papuri mula sa netizens matapos niyang ibahagi sa Threads ang kanyang personal na journey ng pagbabago — partikular na ang pagbitaw niya sa ilang mga dating gawi na matagal na niyang ginagawa noon pa.

Source: Instagram
Ayon kay Sue, ang desisyong ito ay bunga ng matibay na kagustuhan at pagiging consistent sa kanyang layunin na magkaroon ng mas malusog na lifestyle na ikinabilib ng marami online.
"Gusto ko lang share mga goals ko for myself since June, and so far sobrang consistent ko. Only goes to show na kailangan lang natin mag-decide at panindigan kung gusto natin ng pagbabago," aniya Sue. Ibinahagi rin niya ang mga bagay na kanyang itinigil, na labis na hinangaan ng marami: "I have stopped drinking coffee, and soft drinks, and I also stopped vaping. Mga habits na akala ko hindi ko matatanggal sa sistema ko. Now, I feel so much better without them."
Ang kanyang bukas at tapat na post tungkol sa pagtalikod sa mga "habits" na ito ay agad na umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizens at kapwa personalidad sa social media.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa na rito si Inka Magnaye, na nagkomento tungkol sa pagiging proud niya: "Proud of you for putting that vape down, Sue! I quit around 4 years ago. It was hard, but it was worth it!" Agad namang nagpasalamat si Sue sa suporta, at sinabing, "Thanks, ate! Super proud din ako sa sarili ko, actually. I tried to stop so many times before, pero now, wala na. Paninindigan lang talaga."
Sa isang follow-up na tanong mula sa isang netizen tungkol di na pag-inom ng kape, sinagot ito ni Sue ng buong tapang: "Never thought I could, but I did. It's one of my favorite things in the world. I plan to have an iced coffee on my birthday, but not gonna be drinking it everyday na. It was surprising how quickly I got over coffee. Then when you see progress, parang you won't want to break the cycle, and how consistent you have been tapos yun, mawawala rin siya sa sistema mo."
Sa kanyang mga post sa Threads, muling pinatunayan ni Sue na hindi kailanman madaling baguhin ang sarili, pero sa tulong ng disiplina at determinasyon, posible itong makamit.

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Sue Ramirez ay isang kilalang Filipina actress at singer. Pumasok siya sa showbiz noong 2010 nang masali siya sa Star Magic, at agad naman na nagtamo ng mga supporting roles sa palabas gaya ng Mula sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, at Dolce Amore. Sa paglipas ng panahon, naging lead actress si Sue at umangat sa local show business. Naging pangunahing kontrabida pa nga si Sue sa The Broken Marriage Vow kung saan nakatanggap siya ng labis na papuri mula sa mga viewers dahil sa kanyang nakakabilib at mahusay na pagganap bilang si Lexy Lucero.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Sue Ramirez ng mga larawan at video sa Instagram mula sa pagbisita niya sa Hong Kong Disneyland kasama ang nobyo na si Dominic Roque. Kabilang sa mga post ng aktres ang mga malalambing na caption gaya ng "Anywhere with you… Kahit sa space pa "yan," at "Hi, baby," na nagpapakita ng sweetness ng magkasintahan.
Samantalang sa isang panayam, kinumpirma ni Sue Ramirez na sila ni Dominic Roque ay bukas na pinag-uusapan ang kanilang mga nakaraang relasyon bilang isang mahalagang aspeto ng kanilang samahan. Binanggit ng aktres na ang pagtalakay sa mga nakaraan at mga "trauma" ay nakatutulong upang mas lalong magkaunawaan at lumalim ang kanilang koneksyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh