Huling post ni Lolit Solis tungkol sa pagka-confine niya, binalikan: "I feel like crying"

Huling post ni Lolit Solis tungkol sa pagka-confine niya, binalikan: "I feel like crying"

  • Naging sentro ng usapan sa social media ang huling post ni Lolit Solis
  • Kamakailan lang ay nag-post kasi si Manay Lolit tungkol sa pagka-confine niya
  • Aniya Lolit, siya pa nga ay tila na-culture shock habang nasa ospital
  • Marami rin ang nalungkot sa pag-amin ni Lolit na gusto niyang umiyak paminsan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Lolit Solis, ang batikang showbiz columnist at talent manager, ay muling naging sentro ng usapan matapos mag-viral ang kanyang huling social media post tungkol sa kanyang pagkaka-confine sa ospital. Ito ay kasunod ng balita ng kanyang pagpanaw ngayong taon sa edad na 78.

Huling post ni Lolit Solis tungkol sa pagka-confine niya, binalikan: "I feel like crying"
Huling post ni Lolit Solis tungkol sa pagka-confine niya, binalikan: "I feel like crying" (@akosilolitsolis)
Source: Instagram

Noong Wednesday, July 2, isinulat ni Lolit ang isang napaka-eemosyonal at tapat na mensahe.

Nagsimula siya sa pagbibigay pasasalamat sa kaibigang si Salve Asis at iba pang dumalaw sa kanya: "Salve, sobra akong grateful talaga sa pagdalaw nyo sa akin sa hospital. Talagang hindi ko akalain, at my age, dun pa ako mako-confined at magkakasakit. Nagkaroon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age, mahihiga ako sa hospital bed," aniya Lolit.

Inamin din ni Lolit na tila na-'culture shock' siya sa karanasan niya habang siya ay nasa ospital.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So grateful for my friends na talagang tinignan ang kalagayan ko. Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario, kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari. Every time I wake up in the morning, shock ako na nasa ibang kwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising."

Isa pa sa mga tumimo sa puso ng maraming netizens ay ang pag-amin ni Lolit na minsan ay gusto na lang niyang umiyak, ngunit wala na siyang magagawa sa kanyang sitwasyon ngayon: "Ewan ko ba, basta I feel everything [that's] happening, is new to me. Kaloka dahil talagang nagtataka ako na now ako nagkaganito. I feel like crying pero wala na akong magagawa."

Ang mensaheng ito ay naging mas makabuluhan at masakit balikan matapos kumpirmahin ang kanyang pagpanaw. Sa kabila ng lahat, marami ang nagpaabot ng pakikiramay at papuri sa kanyang katatagan, katapatan, at kontribusyon sa mundo ng Philippine entertainment.

Basahin ang post niya sa ibaba:

Si Lolit Solis ay isang kilalang veteran showbiz columnist, talent manager, at TV host sa industriya ng Philippine entertainment. Pinakasikat siya bilang bahagi ng talk show na Startalk na ipinapalabas sa GMA Network noon, kung saan nakilala siya dahil sa kanyang matalas na opinyon at malayang estilo ng pakikipanayam. Kilala rin si Lolit bilang talent manager ng mga artista tulad nina Gabby Concepcion, Bong Revilla, at iba pa, at hindi rin naialis sa kontrobersya, kabilang ang pagkakasangkot sa 1994 Manila Film Festival scam kung saan siya'y nahatulan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Lolit Solis na naging mahirap para sa kanya ang paggaling mula sa sakit, lalo na ang pagbabalik ng kanyang dating sigla at malinaw na pag-iisip. Inilarawan niya ang sarili na parang laging lutang at aminadong na-trauma na sa tanawin pa lang ng ospital. Nagpahayag din siya ng pasasalamat na wala na siyang mabigat na trabaho.

Samantalang ipinagdiwang ni Manay Lolit Solis ang kanyang kaarawan noong May habang sumasailalim naman sa dialysis, kaya inamin niyang nalungkot siya dahil may sakit siya sa isang araw na karaniwang ipinagdiriwang. Binalikan niya ang mga desisyon niya sa nakaraan at sinabing maaaring bunga ng pagpapabaya niya noon sa sarili ang kalagayan niya ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco