Reaksyon ni Ray Parks nang makita ang CongViy sa kasal, pinuri ng ilang netizens
- Nag-viral kamakailan lang ang vlog ni Zeinab Harake tungkol sa kanyang kasal
- Sa isang 57-minute vlog, ipinasilip ni Zeinab ang kanyang dreamy wedding sa Tagaytay
- Ngunit ang tila pumukaw talaga sa atensyon ng marami ay ang kanyang mister
- Sapul kasi sa vlog ang malasakit ni Ray Parks sa CongViy nang makita niya ito sa kasal
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Zeinab Harake, isang YouTube star, kamakailan lamang ay naglabas ng isang 57-minutong vlog na tampok ang grand at dreamy niyang kasal sa asawa niyang si Bobby Ray Parks Jr. na ginanap noong June 1, 2025 sa napakabonggang Crystal Palace of Aquila in the Sky na nasa Tagaytay.
Sa video, ikinuwento ni Zeinab kung paanong pinursige ni Ray ang kanyang puso sa kabila ng kanyang matinding trust issues at emotional walls dahil sa kanyang mga pinagdaanan noon.

Source: Instagram
"Medyo ilang months bago naging kami. Usually, pag ako eh bet na kita, jino-jowa na kita agad. Nung time na sa kanya, sobrang lala ng trust issues ko. Ang taas ng wall ko," kwento niya.
Dagdag pa ni Zeinab, hindi siya binitiwan ni Ray sa panahong iyon, "Pero lahat yun pinaghirapan niya ng almost 5 to 6 months bago ako um-oo na maging official girlfriend niya, lahat ’yun tiniis niya. Talagang feeling ko eh napaka-ganda ko kasi pinu-pursue ako ng isang lalaking matino."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit bukod sa kwento ng kanilang pagmamahalan, hinangaan din ng maraming netizen ang naging reaksyon ni Ray nang makita sa kasal sina Cong Velasquez at Viy Cortez, o CongViy.
Sa vlog, makikitang agad na lumapit si Ray sa mag-partner, masayang binati at niyakap pa sila pareho. Makikita rin sa video ang kanyang malasakit, tila nagtataka kung paano pa rin sila nakarating kahit may mahalagang bagay sila na kailangang asikasuhin nung araw na yun pati.
"Yung care ni Ray sa sitwasyon ni Kidlat kaya di nakapag-bridesmaid si Viy... Grabe, the man that you are Ray," ani ng isang netizen, na talaga namang nagpaantig sa puso ng marami online.
Matatandaang naging usap-usapan dati ang pagkawala ni Viy sa entourage ni Zeinab.
Ipinaliwanag naman ito ni Viy sa social media: "Sobrang taas ng lagnat ni Kidlat nung araw na yan. Need ko alagaan kaya sumaglit lang kami ni Cong sa ceremony. Naiintindihan naman ni Z."
Sa huli, pinuri ng marami ang malasakit ni Ray, hindi lamang bilang asawa ni Zeinab, kundi bilang isang gentleman na may pagpapahalaga sa mga taong mahalaga sa kanyang asawa.
Panooring ang video sa ibaba:
Si Zeinab Harake ay isang kilalang Filipino-Lebanese na YouTuber, actress, at social media influencer na kilala sa kanyang masiglang personalidad at nakakaaliw na content. Inilunsad ni Zeinab ang kanyang YouTube channel noong 2019 at agad siyang sumikat, at agad na naabot ang anim na milyong subscribers sa loob lamang ng unang taon. Noong December 2023, umabot na sa 13.9 milyon ang bilang ng kanyang subscribers. Kasama sa kanyang content ang mga lifestyle vlog, challenges, at mga collaboration kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya, na nagbibigay ng silip sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Pinalawak din ni Zeinab ang kanyang karera sa pag-arte nang siya ay mag-debut sa pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival horror entry na Kampon, kung saan nakasama niya lang naman sina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez.
Sa nakaraang ulat naman ng KAMI ay nagsalita na si Zeinab Harake sa mga comments na kanyang natanggap nito lamang. Matatandaang isa si Zeinab sa mga rumampa sa fashion show ni Vee Tan. Agad na nag-viral sa social media ang video ng pagrampa na ito ni Zeinab. Gayunpaman, may ibang netizens na tila hindi natuwa sa 'look' ni Zeinab.
Samantalang napansin ng netizens ang tila sobrang daliri sa paa ni Zeinab Harake sa thumbnail ng kanyang camping vlog. Isang page ang nagbiro tungkol dito at agad namang sumagot si Zeinab. Inamin din niya na AI editor ang ginamit niya para sa nasabing vlog. Ibinahagi rin niya ang original na larawan nila bilang patunay na may glitch lamang sa edit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh