Post ni Priscilla Meirelles tungkol sa kanyang ina, viral: "My heart breaks every time I see you go"
- Naging usap-usapan kamakailan lang ang dating beauty queen na si Priscilla Meirelles
- Ibinahagi kasi nito sa social media ang pagiging emosyonal niya sa pag-alis ng kanyang ina
- Aniya Priscilla, "it is never easy" daw tuwing makikita niya ang kanyang mommy paalis
- Gayunpaman, labis pa rin ang pagiging thankful ni Priscilla na nag-show up ang kanyang ina
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Priscilla Meirelles, isang dating beauty queen, ay nagpaiyak ng ilang netizens matapos niyang ibahagi ang isang emosyonal na post tungkol sa pag-alis ng kanyang ina, si Marcia Meirelles.

Source: Instagram
Noong Thursday, July 3, nag-post si Priscilla sa Instagram ng ilang mga larawan na kuha sa airport, kung saan makikita ang kanyang pamamaalam sa ina na paalis na muli ng bansa.
Sa kanyang post, inamin ni Priscilla kung gaano kahirap para sa kanya ang mga ganitong sandali.
"It is never easy. My heart breaks every time I see you go. Thank you for always showing up and supporting me when I needed it most," ani Priscilla, na umantig sa puso ng maraming netizen.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kahit masakit ang pamamaalam, ipinahayag pa rin niya ang taos-pusong pasasalamat sa kanyang ina na laging nariyan sa mga panahong higit niya itong kailangan sa kanyang buhay.
Binigyang-diin din ni Priscilla kung gaano kahalaga ang pamilya: "One thing I know for sure, that you taught me to be true, is that family means everything to me, and it's all because of you."
Lubos na hinangaan ng netizens ang pagiging bukas ni Priscilla sa kanyang damdamin, at muling nakita sa kanyang mga salita ang malalim na pagmamahalan sa pagitan ng isang anak at ina.
"Pinaiyak mo naman ako, bestie!" aniya pa nga ng isang netizen sa comment section ng post.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Priscilla Meirelles ay isang Brazilian model at dating beauty queen. Siya ay nanalo bilang Miss Globe International 2003 at Miss Earth 2004 na ginanap sa Pilipinas noon. Matapos ang kanyang pagkapanalo sa Miss Earth, siya naman ay nanirahan na sa Pilipinas. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal si Priscilla kay John Estrada noong 2011 sa San Fernando, La Union at sila ay nagkaroon ng isang anak na babae na si Samantha Anechka. Subalit, noong 2025, naging laman ng balita si Priscilla nang siya ay mag-open up sa hiwalayan nila ng aktor matapos ang 14 years.
Sa nakaraang ulat naman ng KAMI ay pumirma na si Priscilla Meirelles sa Viva Artists Agency, na nagmamarka ng bagong yugto sa kanyang karera. Ibinahagi ng beauty queen ang magandang balita sa Instagram. Sa comments section, gayunpaman, may ilang netizens na nag-iwan ng komento na nagsasabing posibleng mag-Vivamax si Priscilla na agad naman niyang sinagot.
Samantalang noong March ay nagsalita si Priscilla Meirelles tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni John Estrada. Sa isang episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda' sa GMA, tinanong siya ni Boy tungkol dito. Ayon kay Priscilla, legal pa rin silang mag-asawa ni John. Ngunit nang tanungin siya kung ipinaglalaban pa ba niya ang kanilang kasal, tapat na sumagot si Priscilla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh