Paul Salas, sa viral video: "Ang lesson dito, magdadala na ako ng sarili kong upuan"
- Nahingan ng pahayag ni Ogie Diaz si Paul Salas ukol sa nag-viral na video nito kamakailan
- Ani Paul, nagkausap na sila ng babae sa viral video na mahulog nang hindi niya sinasadyang maagawan ito ng upuan
- Nagawa niyang mag-sorry sa babae at sinabing okay lang naman daw sa kanya lalo pa at nag-enjoy naman sila sa show ni Paul
- May natutunan din umano si Paul sa pangyayari at isa na rito ang pagdadala na lamang daw umano niya ng sarili niyang upuan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nahingan ng pahayag ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang aktor na si Paul Salas kaugnay ng isang viral video na kumalat kamakailan sa social media. Sa nasabing video, makikitang tila hindi sinasadyang maagawan ni Paul ng upuan ang isang babae, dahilan upang ito ay mahulog.

Source: Youtube
Nilinaw ni Paul sa panayam na agad silang nagkausap ng babae matapos ang insidente. Ayon sa aktor, nagawa niyang humingi ng paumanhin at maayos naman daw ang naging pag-uusap nila.
"Nag-sorry naman ako, sabi ko ma’am pasensya na, hindi ko naman napansin. Sana e makabawi ako sa’yo soon. Sana makabalik ako sa Brooke's point Palawan.”
"Sabi niya okay lang naman daw, nag-enjoy. Din naman daw sila. At dahil diyan, may vlog din naman daw siya so maiba-vlog din naman daw niya yung video reaction niya do’n."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Nagkausap na rin kami sa video call nung na-24 oras nga kami so, nakapag-usap at okay naman."
"Mas mabuting maging happy at tawanan na lang natin ‘yung nangyari… Nakapag-usap naman na kami ni Ma’am Katrina."
Ayon pa kay Paul, may natutunan din umano siya sa pangyayari kung saan titiyakin na niyang walang masasaktan sa mga pakulo niya sa kanyang shows.
"Siguro ang lesson lang dito, magdadala na ako ng sarili kong upuan" ayon kay Paul na sisguraduhin ding walang gumagamit ng upuan bago siya kumuha lalo na at ginagawa niya talaga ito sa kanyang mga shows.
Samantala, naganap ang pangyayaring ito noong Hunyo 28 sa pagdiriwang ng 76th Founding Anniversary ng Brooke’s Point, Palawan, kung saan isa si Paul Salas sa mga celebrity guests. Habang abala siya sa pagkanta, lumapit ang isang babae upang makipagpa-picture. Agad namang nagpaunlak si Paul at inilagay pa ang kanyang braso sa balikat ng babae, na ikinakilig naman nito. Pagkatapos ng photo-op, akala ni Paul ay walang may-ari ang upuang nasa gilid, kaya kinuha niya ito at ipinagpatuloy ang kanyang performance.
Si Paul Salas ay isa sa mga batang aktor na unang nakilala sa “StarStruck Kids” noong 2004 sa GMA Network. Noong 2008, lumipat siya sa ABS-CBN kung saan siya naging bahagi ng iba’t ibang proyekto sa loob ng siyam na taon. Sa taong 2018, muling bumalik si Paul sa GMA at pumirma sa Sparkle GMA Artist Center. Nakilala siya sa mga drama at youth-oriented na serye tulad ng Shining Inheritance, kung saan nakasama niya sina Kyline Alcantara, Kate Valdez, at Coney Reyes.
Samantala, agad din namang naglabas ng kanyang pahayag sa social media si Paul matapos na mag-viral ang video ng kanyang show sa Brooke's Point sa Palawan. Sinabi niyang hindi sinasadya ang mga pangyayari at mabuti na lamang at hindi talagang nasaktan ang babaeng napaupo nang biglang mahilahan ng upuan ni Paul.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh