Jolina Magdangal, napa-"hoy" at "lintek" sa 'July Na' na post ni Marvin Agustin
- Kamakailan ay naloka si Jolina Magdangal sa post ng kanyang kaibigan na si Marvin Agustin
- Sa Instagram, nag-post kasi ang aktor ng series of photos ni Jolina noon hanggang ngayon
- Tila nagulat naman ang aktres sa mga napiling picture ni Marvin na kanyang ipinost online
- Aniya tuloy ni Jolina, ang dami pa naman daw niyang magagandang pics sa kanilang pictorial
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jolina Magdangal, isa sa mga iconic na 90's stars, ay hindi napigilang mag-react nang makita ang nakakatawang 'July Na' post ng kaibigan niya at dating ka-love team na si Marvin Agustin.
Noong Tuesday, mismong July 1, ibinahagi ng aktor sa Instagram ang isang serye ng mga larawan nila ni Jolina — mula sa kabataan nila hanggang sa kasalukuyan na nag-viral online.

Source: Instagram
Ang mga larawang pinili ni Marvin na i-post ang siyang ikinagulat ni Jolina, na agad nagkomento sa naturang post at naghatid ng labis na tawanan sa kanilang mga fans.
"Hooooooooooy!!!!!!!!! Bakit naman ganito mga pictures!!!!! Lintek!!!!! Dami ko magandang picture nung pictorial natin eh," ani ni Jolina sa kanyang komento, na puno ng exclamation marks.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi naman nagpahuli si Marvin at agad ding nag-reply kay Jolina, at tinawag pa nga itong 'labtim' sa kanyang reply, "LABTIMMMMMM, lagi ka naman maganda kahit anong picture!"
Muling kinilig at natawa ang mga tagahanga ng tambalan nilang MarJo, dahil sa natural na kulitan ng dalawa. Marami rin sa mga netizens, at pati na rin sa kanilang mga fans ang humanga sa kanilang solid na pagkakaibigan na tila hindi kumukupas sa paglipas ng panahon.
Bukod sa tawanan, may ilang fans pa nga na nagbiro at nagbigay ng ideya kay Jolina: "Ate Jolens, bawi ka na lang sa Marvin Augus10" — patungkol sa buwan at sa apelyido ng aktor na Agustin.
Sa kabila ng mga taon, kitang-kita pa rin ang chemistry, lambing, at saya sa pagitan ng dalawa, kaya't hindi na nakapagtatakang patuloy silang minamahal ng kanilang fans — noon at ngayon.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Jolina Magdangal ay isang batikang singer, actress, at TV host na tinaguriang 'Queen of Pinoy Pop Culture' noon. Sa kanyang career, naging bahagi siya ng mga blockbuster films tulad ng Labs Kita... Okey Ka Lang?, Hey Babe!, at Flames, pati na rin sa mga sitcom at dramas gaya ng Gimik at Esperanza. Bukod sa kanyang tagumpay sa showbiz, kilala rin siya bilang isang host at mommy. Siya rin ay host ng Magandang Buhay mula 2016 hanggang ngayon. Bukod pa rito ay naging Executive Producer din siya sa pelikulang Ex Ex Lovers na pinagbidahan nila ni Marvin Agustin.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong February ay talagang naantig ang puso ng mga netizen dahil kay Jolina Magdangal. Nag-post kasi ito ng isang nakakaantig na reel sa social media. Makikita sa reel ang ilang nakakatawang sandali nila ni Marvin Agustin. Dahil dito, maraming netizen ang natuwa at na-touch sa matibay na pagkakaibigan ng MarJo.
Samantalang noong 2024, nagbigay ng update si Jolina Magdangal sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa social media. Ayon sa post, hindi siya nakadalo sa Tawag ng Tanghalan, kaya't ipinaliwanag niya ito online. Sa kanyang Instagram, nag-upload si Jolina ng litrato nila ni Vika Anaya kung saan makikitang pareho silang naka-face mask.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh