Ginawa ng isang cake studio sa order para kay John Lapus, patok sa netizens: "Masunurin ang team"

Ginawa ng isang cake studio sa order para kay John Lapus, patok sa netizens: "Masunurin ang team"

  • Hindi napigilan ni John Lapus na matawa dahil sa birthday cake ng kanyang kaibigan
  • Sa Instagram page niya, ibinahagi ni John ang nakakaaliw na disenyo ng cake na ito
  • Ani tuloy ng comedian-director sa kanyang caption, talagang masunurin daw ang team
  • Gayunpaman, agad ding nagsalita ang cake studio na gumawa ng cake sa Instagram

Si John 'Sweet' Lapus, kilalang komedyante at direktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas, ay hindi napigilang matawa matapos makita ang birthday cake ng kanyang matalik na kaibigan.

Ginawa ng isang cake studio sa order para kay John Lapus, patok sa netizens: "Masunurin ang team"
Ginawa ng isang cake studio sa order para kay John Lapus, patok sa netizens: "Masunurin ang team" (@korekkajohn)
Source: Instagram

Noong Sunday, June 29, ibinahagi kasi ni John sa kanyang Instagram account ang larawan ng cake na ginawa ng Wadough's para sa kaibigan niyang si Gian. Ngunit ang disenyo ng cake ang talaga namang nagbigay ng aliw sa kanya at pati na rin sa maraming netizens sa social media.

Makikita sa larawan ang isang minimalist na blue cake na may nakasulat sa ibabaw ng paulit-ulit na salitang "EK EK." Ipinaliwanag ni John kung bakit ganoon ang naging itsura ng cake:

"Para sa birthday ng friend kong si Gian, nagpagawa si Chef @wadosiman sa kanyang Team @wadoughs ng blue cake. Nilagay niya sa order slip ng 'lagyan ng madaming ek ek.' Ayan ang ginawa! Masunurin ang Team @wadoughs," ani John, na halatang naaliw sa naging resulta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, nagbigay rin ng reaksyon ang Wadough's sa kanilang opisyal na Instagram page.

Ibinahagi nila ang screenshot ng order slip kung saan nakasulat ang eksaktong request na, "blue na madaming ek ek." Kasunod nito, nagpaabot sila ng paumanhin kay John bago magbiro.

"Miscommunication ang susi sa nakatawang cake. Sorry @korekkajohn sa cake order namin na madaming ‘ek ek!’ Naitama naman namin ang maling order sa huli. Happy Birthday pa rin sayo Gian!" ani ng Wadough's sa kanilang viral post sa social media na nagpaaliw sa marami.

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa comments dahil sa kanilang nakakatawang reaksyon:

"Grabe, kanina pa ako tawa ng tawa dito."

"Yung nag-follow ka lang naman ng instructions."
"Parang go na ako dun sa first design, witty pa rin haha."
"Ask and you shall receive ang peg nung nag-design HAHAHAHA."
"OMG. Sumakit tiyan ko sa kakatawa. In the future, if I order again I will really specify what I want."

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si John 'Sweet' Lapus ay isang Filipino actor, comedian, host, at director. Anak siya ng dating showbiz columnist na si Jojo Lapus. Nagsimula ang kanyang karera bilang researcher ng Showbiz Lingo sa ABS‑CBN at kalaunan ay humarap na sa kamera bilang comedic actor at TV host. Sa kanyang showbiz journey, naging prominent figure si John sa mga programang gaya ng Showbiz Central, S‑Files, at Sing Galing! Bukod sa hosting, nagpakita rin siya ng husay sa stand‑up comedy. Sa kasalukuyan, kilala rin ang husay niya sa likod ng kamera bilang director at scriptwriter.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay prangkang nag-react si John Lapus sa isang post tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa X, ibinahagi ni John ang balita ng Inquirer tungkol kay Sen. Bong Go na humihiling ng dasal para kay Duterte. Nagbahagi rin ang komedyante ng sarili niyang maikli ngunit diretsahang panalangin para sa dating pinuno ng bansa, na talagang nag-viral.

Samantalang noong February ay nag-post si John Lapus tungkol kay Barbie Hsu kasunod ng pagkabigla ng marami sa balitang pumanaw na ang aktres. Sa X, binalikan ng komedyante ang pagkakataong nakilala niya ang Taiwanese star. Matatandaang bumisita si Barbie sa Pilipinas noong 2003 para sa kanyang concert, kung saan si John ang naging front act para sa event.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco