Momfluencer na si Ciara Magallanes, isinugod sa ER; Celebrities, nag-react
- Si Ciara Magallanes, isang kilalang momfluencer, ay isinugod kamakailan sa ER
- Aniya Ciara, siya raw ay talagang naiyak at napa-pray kay God dahil sa insidente
- Pag-amin pa nga ng momfluencer, naiyak siya dahil naisip niya ang kanyang mga anak
- Dahil dito, inulan ng suporta ang post ni Ciara mula sa mga netizens at pati na rin celebrities
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Ciara Magallanes, ang kilalang momfluencer sa likod ng Mommy Diaries PH, ay kamakailan lamang isinugod sa emergency room ng isang ospital, dahilan para mag-alala hindi lamang ang kanyang mga tagasubaybay kundi pati na rin ang ilang lokal na celebrities sa show business.

Source: Instagram
Noong Sunday, June 29, ibinahagi ni Ciara ang nakakabahalang balita sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Instagram account, na talaga namang nagpa-alala sa kanyang fans.
Sa kanyang post, makikita ang isang candid na larawan niya habang nakahiga sa kama ng ospital, halatang pagod sa pinagdaanang karanasan. Aniya, "First time ko na ma-sugod sa ER kaninang umaga. Had the worst panic attack ever. Akala ko kasi inaatake na ko sa puso."
Ikinuwento rin ni Ciara kung paano siyang napaiyak at agad na napa-pray sa gitna ng insidente. "Umabot ng 160/110 BP ko eh ang normal ko lang is around 110/70. Lalo ako naiyak nung iniisip ko ang mga anak ko. Dasal ako nang dasal, 'Lord, ayoko pa po ma-tegi,'" pag-amin ni Ciara online.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa huli, nagbigay ng update si Ciara upang ipaalam na maayos naman ang kanyang kondisyon. "Buti na lang at okay naman daw ako. No sign of heart attack sa ECG at sa blood ko," aniya Ciara.
Dahil sa kanyang post, agad na nagpaabot ng pag-aalala at suporta ang ilang celebrity mommies.
Nagkomento si Dimples Romana ng, "Mama, be well soon," habang si Melai Cantiveros naman ay nagbigay ng nakakaantig na mensahe kay Ciara sa gitna ng pinagdaanan nito kamakailan: "Momsh, hugs kita mahigpit. Pray kita and lapit ka kay Lord, siya lang ang makakatulong sa atin."
Ang pag-amin ni Ciara sa kanyang pinagdadaanan ay umani ng suporta at malasakit mula sa komunidad online, at nagsilbing paalala sa marami kung gaano kahalaga ang kalusugan.

Source: Instagram
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling hinangaan si Jessie J sa social media dahil sa kanyang health update. Sa kabila kasi ng kanyang cancer diagnosis, nananatiling positive ang English singer. Matapos kasi siyang ma-diagnose, agad na kinailangan operahan si Jessie sa ospital. Aniya pa nga ni Jessie, "This post is some of the honest lows and highs of the last 48 hours."
Samantalang ibinahagi ni Joe Biden sa isang emosyonal na mensahe sa publiko ang balita tungkol sa kanyang pagkakaroon ng kanser. Nag-post siya ng litrato kasama si Jill Biden, bilang pasasalamat sa mga sumuporta at nagpaabot ng pagmamahal. Ibinahagi ni Biden kung paanong ang kanser ay nakaaapekto sa lahat at nagsalita rin siya tungkol sa paghahanap ng lakas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh