Matet de Leon, napaiyak sa live selling dahil sa masasakit na komento

Matet de Leon, napaiyak sa live selling dahil sa masasakit na komento

  • Habang nagla-live selling sa TikTok, hindi napigilan ni Matet de Leon ang mapaiyak matapos makatanggap ng masasakit at mapanirang komento mula sa ilang bashers na tila minamaliit ang kanyang pagsusumikap na kumita
  • Isa sa mga komentong tumatak ay ang “Wala na kayo project?” na tila pangungutya sa kanyang pagiging abala ngayon sa online selling kaysa sa showbiz, pati ang “Suplada ‘to, kaya iniwan ni Ate Guy” na tumumbok sa personal niyang relasyon sa kanyang yumaong inang si Nora Aunor
  • Sa kabila ng emosyonal na sandali, ipinagpatuloy pa rin ni Matet ang kanyang live selling sa TikTok at ipinakita ang kanyang tibay at dedikasyon sa marangal na pagkayod para sa pamilya
  • Umani ng simpatya, suporta at papuri mula sa maraming netizens si Matet, na nagpahayag ng paghanga sa kanyang pagiging totoo, matatag, at walang arte sa kabila ng mga mapanirang salita online

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilang mapaiyak si Matet de Leon sa gitna ng kanyang live selling session matapos makabasa ng masasakit na komento mula sa ilang netizens. Isa sa mga komento ay, “Wala na kayo project?” na sinundan pa ng mas personal na banat na, “Suplada ‘to, kaya iniwan ni Ate Guy.”

Matet de Leon, napaiyak sa live selling dahil sa masasakit na komento
Matet de Leon, napaiyak sa live selling dahil sa masasakit na komento (📷@misismatet/IG)
Source: Instagram

Bagama’t sanay na raw si Matet sa mga kritisismo sa industriya, inamin niyang hindi niya inaasahang ganito kabigat ang mararamdaman niya habang nagsusumikap lang siyang magbenta online. Emosyonal siyang nagpahayag na hindi masama ang maghanapbuhay ng marangal at hindi dapat ginagawang biro o pang-insulto ang live selling.

Ilan sa mga netizens’ comments na nag-viral ay:

  • “Kahit artista, kailangan din kumayod. Respeto naman sana.”
  • “Nakaka-proud ka Matet, walang arte sa katawan, tunay na madiskarte.”
  • “Grabe ang iba, wala nang awa. Kahit artista, tao rin na nasasaktan.”
  • “Baka nga kaya siya iniwan, hindi ng nanay kundi ng respeto ng ibang tao.”
  • “Mas may dangal pa ‘tong ginagawa niya kaysa sa mga nagpapasikat sa TikTok para lang sa clout.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng pag-iyak at masasakit na salita, hindi natinag si Matet de Leon. Sa panahon ng matinding pagsubok, pinatunayan niyang mas mahalaga ang diskarte at dignidad kaysa pansamantalang papuri o kasikatan.

Si Matet ay isa sa mga anak ni Nora Aunor, isa sa pinakarevered na aktres sa bansa. Isa rin siyang dating child star na tumatak sa pelikula’t telebisyon noong 90s at early 2000s. Kamakailan lang ay naging sentro rin siya ng emosyonal na usapin matapos pumanaw ang kanyang ina, si Ate Guy.

Sa kanyang post noong kaarawan ni Nora Aunor, emosyonal na inalala ni Matet ang yumaong Superstar. Aniya, “Kahit may mga hindi pagkakaunawaan noon, mama ko pa rin siya. At habang buhay ko siyang mamahalin.” Marami ang naantig sa kanyang pagiging bukas at matapang sa pagpapahayag ng damdamin.

Samantala, sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Nora Aunor, isang makadurog-pusong post din ang ibinahagi ni Matet. Ipinahayag niya ang kanyang patuloy na pagdadalamhati at pasasalamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang ina. Isa itong patunay na sa kabila ng mga kontrobersya, nanatili ang respeto at pagmamahal ni Matet sa kanyang yumaong ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate