Video ng interaction ni Paul Salas at ng isang fan habang siya ay kumakanta, viral

Video ng interaction ni Paul Salas at ng isang fan habang siya ay kumakanta, viral

  • Si Paul Salas, isang kilalang aktor sa Pilipinas, ay tila nag-viral sa social media nito lamang
  • Kumalat kasi ang video ng performance ni Paul sa harap ng maraming tao sa isang court
  • Sapul kasi sa video ang hindi inaasahang 'blooper' na di nakita o namalayan ng aktor
  • Umani tuloy ang video ng nakakaaliw at nakakatawang mga komento mula sa netizens

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Paul Salas, isang kilalang aktor sa Pilipinas, ay muling naging sentro ng atensyon matapos mag-viral ang isang video ng kanyang live performance sa iba't ibang social media websites.

Video ng interaction ni Paul Salas at ng isang fan habang siya ay kumakanta, viral
Photos: @paulandre.salas on Instagram | Loren Noriega no Facebook
Source: Instagram

Ibinahagi ng isang Facebook user na si Loren Noriega ang naturang video ng aktor kung saan makikitang umaawit at nagpe-perform si Paul nang masigla sa harap ng maraming tao.

Sa gitna ng kanyang performance, tumigil siya sandali upang yakapin ang isang tagahanga bilang pagkilala sa presensya nito, bago niya ipinagpatuloy ang kanyang pagpe-perform.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, habang bumabalik sa kanyang upuan ang fan, hindi ito napansin ni Paul at nai-drag niya ang silyang kinauupuan ng fan, dahilan upang ito'y matumba.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad itong nakuhanan sa video na naging viral at ngayo'y kumakalat na sa iba't ibang social media platforms. Bagama't isa lamang itong minor na insidente, naging mitsa ito ng samu't saring nakakatuwang reaksyon mula sa mga netizens. Ilan sa mga patok na komento ay:

"Mission successfully failed."
"From good news to bad news agad."
"Fan to basher agad kapag ganyan, charot haha."
"Jusko, mag-trending ka talaga nito, dami ba namang tao."
"Nakailang panood na ako dito, tawang tawa pa rin ako."

Sa kabila ng insidente, hindi naman naapektuhan ang performance ni Paul sa harap ng kanyang audience. Maraming netizens rin ang natuwa sa natural at di-sinasadyang tagpo sa video.

Panoorin ang video sa baba:

Si Paul Salas ay isang Filipino actor, model, at vlogger. Anak ni Michelle Solinap at dating Universal Motion dancer na si Jim Salas, nakilala siya sa showbiz bilang isa sa mga finalist ng StarStruck Kids noong 2004. Sa showbiz, gumanap si Paul sa mga serye gaya ng Descendants of the Sun, Kara Mia, The Lost Recipe, at Lolong. Bukod sa acting, aktibo rin si Paul bilang modelo at content creator. Sa kasalukuyan, hinahangaan ang kanyang versatility sa pag-arte, at pati na rin sa pagkanta't pagsasayaw, na nagpapatunay sa kanyang paglago bilang isang child star noon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Paul Salas sa social media ng isang makahulugang bersikulo mula sa Bibliya. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktor ang isang quote card na mula sa @thereal_alphamotivation. Nakasaad dito ang ikalawang talata mula sa Chapter 43 ng Book of Isaiah na pumukaw sa atensyon ng marami online.

Samantalang noong April naman ay kinumpirma na ni Mikee Quintos na hiwalay na sila ni Paul Salas. Ibinahagi ng aktres ang masaklap na balita sa kanyang pag-guest sa Fast Talk With Boy Abunda. Matatandaang nagsimula ang relasyon nina Mikee at Paul noong 2022. Nilinaw naman ni Mikee na walang third party na sangkot sa hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco