Pauleen Luna, labis ang pagka-proud sa natamong awards nina Vic Sotto at Piolo Pascual

Pauleen Luna, labis ang pagka-proud sa natamong awards nina Vic Sotto at Piolo Pascual

  • Hindi napigilan ni Pauleen Luna na ipahayag ang kanyang paghanga online
  • Kamakailan lang ay pinuri kasi ni Pauleen sina Vic Sotto at Piolo Pascual
  • Nakatanggap kasi ng award ang dalawa sa isang prestigious na awards event
  • Aniya Pauleen sa dalawang magaling na aktor, "You both are truly deserving"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Pauleen Luna, isang dating TV host at misis ng batikang aktor na si Vic Sotto, ay hindi napigilang ipahayag ang kanyang paghanga at pagbati sa kanyang asawa at kay Piolo Pascual.

Itinanghal kasi bilang 'Film Actors of the Year' sa 53rd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards sina Vic at Piolo na ikinatuwa ng kanilang fans.

Pauleen Luna, labis ang pagka-proud sa natamong awards nina Vic Sotto at Piolo Pascual
Pauleen Luna, labis ang pagka-proud sa natamong awards nina Vic Sotto at Piolo Pascual (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Pauleen ang ilang mga larawan mula sa prestihiyosong awarding event. Kasabay nito, tinawag niya sina Vic at Piolo na mga "icons" sa industriya ng pelikula. Aniya Pauleen sa dalawa, "Congratulations to these 2 icons! Actors of the year for Guillermo Foundation Awards! You both are truly deserving," na ikina-touch ng maraming tao.

Bukod sa pagbati, naglaan rin si Pauleen ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinuri niya ang aktor sa matinding pagsusumikap at tapang na ipakita ang kanyang husay sa pag-arte sa labas ng kanyang "comfort zone" sa paggawa ng pelikula sa local show business.

"Babe, winning this award is more than getting a trophy but a true testament of your hard work, dedication, and for bravely stepping out of your comfort zone. I am in awe with how much you committed to your role when you've started filming. You didn't just focus but you strived to work towards a specific goal. I know it was not easy for you but you gave it your all and I couldn't be more proud!" aniya Pauleen kay Vic na talaga namang nagpakilig sa kanilang mga supporters.

Maraming tagahanga ang naantig sa mensahe ni Pauleen at natuwang makita ang pagsuporta niya sa tagumpay ng kanyang asawa, at pati na rin kay Piolo. Patunay lamang ito na bukod sa pagiging isang mapagmahal na asawa, isa rin siyang malaking tagasuporta sa karera ni Vic.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Pauleen Luna ay isang kilalang Filipina actress at TV host. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz nang sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! noong 1995. Bukod sa hosting, lumabas din siya sa iba't ibang mga teleserye sa GMA Network. Sa personal naman niyang buhay, ikinasal si Pauleen kay Vic Sotto 2016, at ngayon ay ina ng dalawang anak na babae na sina Talitha Maria at ang bunsong si Thia Marceline. Sa kabila ng kanyang buhay noon sa showbiz, mas pinili ni Pauleen na mag-focus pansamantala sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naabot ni Tali, ang panganay na anak ni Pauleen Luna, ang isang bagong tagumpay. Ibinahagi ni Pauleen sa social media ang milestone nito. Inihayag niya ang kanyang labis na pagmamalaki kay Tali na ngayon ay mahusay na sa football. Nagbahagi rin siya ng mga larawan kung saan makikita si Tali na ipinapakita ang kanyang trophy at medal.

Samantalang noong February ay nag-post si Pauleen Luna sa Instagram ng mga video at larawan mula sa kaarawan ni Thia. Napaka-masigla ng selebrasyon at damang-dama ang masayang tema sa bawat sulok ng venue. Nakasuot si Pauleen ng tila modern version ng Filipiniana, habang si Thia naman ay naka-cute na bestida. Kitang-kita rin na maalaga si Vic Sotto sa kanyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco