Lea Salonga, nabiktima ng AI fake video: “AI is scary. Stay vigilant and aware”
- Nagbabala si Lea Salonga matapos kumalat ang isang AI-generated fake video tungkol sa kanya
- Ang video ay nagsasabing siya ay naka-wheelchair dahil sa arthritis at gumaling sa isang produkto
- Sinabi ng Broadway diva na wala siyang malalang sakit at inilarawan ang video bilang panloloko
- Maraming netizens ang kinondena ang paggamit ng AI para lokohin ang publiko gamit ang mukha ng mga sikat
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng babala si Broadway star Lea Salonga laban sa isang pekeng video na kumakalat sa social media na ginamitan ng AI at naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa kanyang kalagayan.

Source: Instagram
Sa kanyang Facebook post, isinalaysay ni Lea na naka-chat niya ang kanyang tiyahin mula sa Maynila, na nagulat matapos mapanood ang video kung saan sinasabing siya ay naka-wheelchair dahil sa arthritis at gumaling sa pamamagitan ng isang treatment o produkto.
Agad namang nilinaw ng singer-actress na siya ay nasa mabuting kalagayan at ang tanging nararamdaman ay karaniwang pananakit ng katawan dulot ng trabaho.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Just chatted with an auntie of mine from Manila who sent a message that was unnerving… She was bamboozled by a fake video. AI is scary. Stay vigilant and aware,” pagbabahagi ni Lea.
Dahil dito, hindi napigilang mag-react ng mga netizens. Marami ang nagpahayag ng pagkabahala sa paggamit ng artificial intelligence para sa panloloko, lalo na sa paglalagay ng mukha at boses ng mga kilalang personalidad sa mga hindi nila totoong sinasabi o sinusuportahan.
Hindi si Lea ang unang biktima ng ganitong uri ng panlilinlang. Nauna na ring nabiktima ang aktres na si Anne Curtis, at kamakailan lang ay ang singer-actor na si Ronnie Liang, na kapwa naglabas ng pahayag para ipaliwanag na wala silang kinalaman sa mga video na iyon.
Pati ang anak ni dating Vice President Leni Robredo ay nadawit din sa isang AI-fabricated video. Sa mga panahong mabilis na umuunlad ang teknolohiya, lalo pang lumalalim ang hamon sa pagbibigay-proteksyon sa identidad ng mga indibidwal.
Si Lea Salonga ay isang multi-awarded international artist na nakilala sa kanyang mga iconic performances sa teatro, pelikula, at musika. Siya ang boses sa likod ng Disney princesses na sina Mulan at Jasmine, at unang Filipina na gumanap sa Broadway bilang Kim sa Miss Saigon. Bukod sa kanyang mga tagumpay sa entablado, patuloy siyang hinahangaan bilang isang huwarang Pilipina sa buong mundo. Sa kabila ng kanyang kredibilidad at reputasyon, hindi siya ligtas sa mga mapanlinlang na gawaing gumagamit ng kanyang pangalan at imahe.
Isang malaking karangalan ang natanggap ni Lea Salonga matapos siyang gawing bahagi ng prestihiyosong Madame Tussauds sa Singapore. Inilunsad kamakailan ang kanyang wax figure, na detalyado at halos kahawig niya sa totoong buhay. Ipinakita rin ng figurine ang iconic look niya habang umaawit, simbolo ng kanyang global recognition bilang isang Broadway legend.
Sa isang panayam, nagpahayag si Lea Salonga ng kanyang saloobin ukol sa usapin ng pagbibigay ng pagkilala sa mga Pilipinong alagad ng sining. Para sa kanya, mas karapat-dapat umano si Comedy King Dolphy na maging National Artist. Sinabi rin niya na ang mga kontribusyon ni Dolphy sa sining at kultura ay hindi matatawaran at deserve nitong mapabilang sa mga pinakakilalang National Artist ng bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh