Vice Ganda, binalikan ang panahong pinatawad niya ang pumatay sa kanyang ama

Vice Ganda, binalikan ang panahong pinatawad niya ang pumatay sa kanyang ama

  • Si Vice Ganda ay nakapanayam kamakailan lang ni Karmina Constantino-Torres
  • Sa kanilang interview, naitanong ni Karmina si Meme tungkol sa usaping galit
  • Ani Karmina, "Bakit hindi mo nakuhang magalit sa mundo given all that you went through?"
  • Nang marinig ang tanong, talaga namang nagpakatotoo si Vice sa kanyang sagot

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Vice Ganda, isa sa mga sikat na Kapamilya star, ay nakapanayam ni Karmina Constantino-Torres kamakailan sa kanyang YouTube channel. Sa kalagitnaan ng kanilang tapat at emosyonal na usapan, may tinanong si Karmina kay Vice na talaga namang tumagos sa puso ng marami.

Vice Ganda, binalikan ang panahong pinatawad niya ang pumatay sa kanyang ama
Photos: KC After Hours on YouTube
Source: Youtube

"This is what I always hear about you in ABS when I walk the halls, ang parati nilang sinasabi is, 'Mabait siya.' Bakit hindi mo nakuhang magalit sa mundo given all that you went through?"

Sa sagot ni Meme Vice, binalikan niya ang pagpapalaki sa kanya ni Mama Rosario at kung paanong naging pundasyon ang pananampalataya at kabutihan sa kanilang pamilya dahil dito:

"Hindi kasi ininstill sakin ng nanay ko ang hate. Ayoko ang konsepto ng hate kasi yung nanay ko eh relihiyosa. Lumaki akong nasa kapilya tapos nagdadasal nanay ko, nagro-rosaryo, hanggang ngayon eh pag nagsisimba, naka-belo, yung ganun. Ang dami naming pinagdaanan na hindi maganda, yung hindi nakakatuwa, yung nakakabwisit. Pwede kaming magdamdam, magalit, magtampo, mainis, pero yung muhi, yung hate, hindi siya welcome sa mga puso namin."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin napigilan ni Vice na ibahagi ang isa sa pinakamabigat na karanasan sa kanyang buhay — ang pagkawala ng kanyang ama at kung paanong pinili pa rin niyang magpatawad sa huli.

"Sino pa ba ihe-hate ko? Ano pa bang pwede nilang gawin sakin para ma-hate ko sila eh yung pumatay nga sa tatay ko, sa harapan namin, pinatawad ko. Tinanggalan niya ako ng tatay, tinanggalan niya ng padre de pamilya ang bahay namin, ikinabagsak ng nanay ko yun, na-depress ang nanay ko at nagkahiwa-hiwalay kaming pamilya, pero nakuha ko silang patawarin."

Nang tanungin kung paano niya nagawang magpatawad sa kabila ng lahat, simple pero makabuluhan ang kanyang paliwanag kay Karmina: "Kung iisipin ko lagi yung galit ko sa inyo, pano ako magtatrabaho? Pano ko gagawin yung mga plano ko? I have plans. I have goals."

Inalala rin ni Vice kung paanong sumubok ang kanyang ina na hanapin ang hustisya para sa kanyang ama, ngunit sa kalaunan ay pinili nilang itigil ito para makapagpatuloy sa buhay.

"Ako yung bitbit ng nanay ko tuwing labas pasok siya sa city hall para sa pagpoproseso lang at sa kaso ng tatay ko. Hindi ko nakita yung hustisya. Kaya sabi ko sa nanay ko, 'Nay, ihinto na natin 'to. Hindi na natin makukuha yung hustisya at hindi natin sila mapapakulong kasi wala tayong pera. Kung habang buhay tayo maghahabol, mamamatay tayo kasi hindi na tayo magtatrabaho.'"

Panoorin ang video sa baba:

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinag-usapan ni Vice Ganda si Ryan Bang at ang kasintahan nito sa It's Showtime. Naalala kasi ni Vice kung paano sila pinakain ni Ryan bilang selebrasyon ng Mother's Day. Kasama rin nila noon si Paola Huyong at ang pamilya nito. Sa show, ikinuwento ni Vice ang ginawa ng ama ni Paola na labis na tumatak sa kanyang puso nang makita niya ito.

Samantalang kagagaling lang ni Vice Ganda sa isang nakakatawang palitan ng biro kasama ang beteranang aktres at host na si Charo Santos. Sumali kasi si Charo sa 'Dance Like VG' trend kasama ang kanyang apong si Talia. Sa kanyang post, tinag niya si Vice at tinanong kung ano ang masasabi nito. Sa huli, sumagot si Vice at nag-iwan ng nakakatawang komento para kay Charo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco