Ice Seguerra, may nakakadurog-puso na post sa pagpanaw ni Mommy Caring: "Ang hirap mama"
- Si Ice Seguerra, isang kilalang OPM singer, ay nagpaiyak ng ilang mga netizens online
- Kamakailan lang ay nagsulat kasi si Ice ng nakakdurog-puso na mensahe sa Instagram
- Ito ay para sa kanyang pinakamamahal na Mommy Caring na pumanaw noong June 27
- Ani pa nga ni Ice sa kanyang post, "Ang hirap mama. Tulungan mo akong kayanin 'to ha?"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Ice Seguerra, isang kilalang mang-aawit sa Pilipinas, ay nagpaiyak sa mga netizens dahil sa mensaheng iniwan niya para sa kanyang yumaong ina, si Caridad Seguerra o Mommy Caring.

Source: Instagram
Noong Saturday, June 28, ibinahagi ni Ice ang kanyang mabigat na damdamin kaugnay ng pagpanaw ng kanyang ina, na pumanaw isang araw bago ang pinakaiintay niyang araw.
Ayon kay Ice, sabik sana siyang salubungin ang June 28 dahil dito ilalabas ang kanyang pinakabagong kanta na Shelter of the Broken. Ngunit sa halip na kasabikan, ang naramdaman ng singer ay matinding lungkot dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na Mommy Caring.
"I was looking forward to June 28 because ngayon yung drop ng Shelter of the Broken. We've been preparing for today for months now. Pero siguro ganon talaga ang buhay. Instead of feeling excited, my heart is shattered because my mama passed away the morning of June 27th," ani Ice.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanyang Instagram post, ipinagpatuloy ni Ice ang pagbuhos ng kanyang damdamin ngayon.
"Hindi mo man lang nahintay, mama. Pero happy ako kasi kahit papaano, narinig mo yung buong album bago ka nawala. Sinabi mong proud ka sa akin at nagandahan ka sa mga kanta," ani niya.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, inamin ni Ice ang hirap na dinaranas sa pagkawala ng kanyang ina, habang pinanghahawakan pa rin ang alaala nito sa kanyang musika at pagsusulat.
"At kahit wala ka na, sa bawat awit at bawat letra, nandoon ka. Sa bawat pag sampa ng entablado, kahit hindi na makikita, alam ko nasa puso kita. Ang hirap mama. Tulungan mo akong kayanin 'to ha? Mahal na mahal kita," ayon sa sikat na OPM singer tungkol sa kanyang ina na si Caridad.
Umani ng pakikiramay at suporta mula sa mga tagahanga at kapwa artista ang kanyang post.
Si Ice Seguerra ay isang sikat na aktor at singer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang child star sa segment na 'Little Miss Philippines' sa Eat Bulaga!, at mula noon ay lumabas na siya sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, kabilang ang sikat na Okay Ka, Fairy Ko!. Bukod sa husay niya sa pag-arte, kilala rin siya bilang singer-songwriter. Samantalang noong 2014, nagbago ang kanyang opisyal na pangalan mula Aiza Seguerra patungong Ice Seguerra at ibinunyag na nga niya sa publiko ang pagiging transgender niya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilan ni Ice Seguerra na mag-react sa kumakalat na fake news tungkol sa kanya. Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Ice ang isang social media card na naglalaman ng maling impormasyon na sinasabing siya ay buntis. Sa caption ng kanyang post, pinabulaanan ng singer-songwriter ang nasabing claim at tila nagbiro pa nga online.
Samantalang noong 2024 ay nag-viral ang video ni Ice Seguerra kung saan makikita siyang masiglang sumasayaw sa steps ng kantang 'Salamin.' Ang video, na kuha sa wedding reception nina Jose Manalo at Mergene Maranan, ay nagpapakita ng todo-bigay na energy ni Ice habang sumasayaw. Ayon sa caption ng video, may bonggang pa-premyo umano kasi sa best dancer.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh