Kim Chiu, naiyak bago ang kanyang bold makeover para sa 'The Alibi'
- Naging emosyonal talaga si Kim Chiu bago ang kanyang bold makeover ngayong taon
- Kamakailan lang ay kinailangan kasing magpaikli ng buhok ni Kimmy para sa The Alibi
- Matatandaang ito ang inaabangang panibagong project ni Kim kasama muli si Paulo Avelino
- Bago ang kanyang bold makeover, sapul sa camera na tila naluha si Kim bago ang haircut
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi talaga napigilan ni Kim Chiu ang maging emosyonal at mapaluha bago ang kanyang maangas at matapang na makeover para sa nalalapit niyang bagong proyekto na The Alibi.

Source: Instagram
Noong Wednesday, June 25, ibinahagi ng Dreamscape Entertainment ang isang video clip kung saan makikitang umiiyak at sumisigaw si Kim bago isagawa ang kanyang haircut. Bagamat bakas sa mukha niya ang kaba at emosyon, buong tapang pa rin niyang hinarap ang haircut.
"Nagtatanggal pa lang kayo ng hikaw niyan, naiiyak na ako," aniya pa nga ng aktres sa video.
Sa kabila ng kanyang naramdaman, hindi pa rin nagpahuli si Kim sa pagdala ng kanyang bagong itsura. Sa kanyang Instagram page, ni-launch ni Kimmy ang kanyang "bold cut I never saw coming," kung saan makikita ang nakamamanghang transition mula sa kanyang dating mahabang buhok patungo sa isang mas maikli at modernong hairstyle ngayong taon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bumuhos naman ang mga komento mula sa kapwa artista niya at inulan na nga si Kimmy ng pawang positibo at puno ng suporta na mga komento para sa kanyang bagong anyo. Maging ang kanyang mga fans ay todo-puri sa pagiging matapang at stylish ng aktres para sa The Alibi.
Kasama si Paulo Avelino, muling magtatambal si Kim bilang sina Marie Morales at Vincent Cabrera. Ito na ang ikaapat nilang proyekto bilang onscreen partners, kaya naman hindi na rin maitago ng KimPau fans ang saya at pananabik sa mga susunod pang detalye tungkol dito.
Sa kabila ng emosyonal na simula ng transformation na ito, pinatunayan ni Kim na handa siyang sumugal at magbago alang-alang sa sining at karakter na kanyang gagampanan sa showbiz.
Si Kim Chiu ay isang Filipina actress, television host, at singer na sumikat matapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa lokal na showbiz bilang "Chinita Princess." Matapos ang kanyang tagumpay sa PBB, naging isa siya sa mga pangunahing artista ng ABS-CBN, at gumanap sa mga sikat na teleserye tulad ng Sana Maulit Muli, My Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pag-arte, isa rin siya sa mga hosts sa It's Showtime.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinahanga naman ni Kim Chiu ang publiko dahil sa kanyang taos-pusong mensahe. Kamakailan lang ay binati kasi ni Kim ang kanyang ama ngayong Father's Day celebration. Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang isang reel na talaga namang nag-viral online. Subalit ang talagang pumukaw sa atensyon ng maraming fans ay ang caption ni Kim.
Samantalang noong May naman ay pinasaya ni Kim Chiu ang mga tagahanga niya. Nag-post kasi si Kim ng pagbati sa kaarawan ni Paulo Avelino sa social media. Sa kanyang post, ibinahagi ni Kim ang kanilang malapit na pagkakaibigan, na ikinatuwa ng maraming netizen. Bukod pa rito, nagsulat din si Kim ng nakakatuwa ngunit sweet na note para kay Paulo sa kanyang post.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh