Baron Geisler, proud na natapos ang 'Incognito' na walang kontrobersiya

Baron Geisler, proud na natapos ang 'Incognito' na walang kontrobersiya

  • Ibinida ni Baron Geisler na matagumpay niyang natapos ang seryeng Incognito nang walang kontrobersiya
  • Unang beses niya gumanap bilang good guy matapos ang mga anti-hero roles sa nakaraan
  • Inihalintulad niya ang karakter na si Miguel sa sarili bilang isang recovering alcoholic
  • Umaasa siyang magkaroon ng ikalawang season ang palabas dahil sa magandang karanasan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mukhang tuluyan nang tinatalikuran ni Baron Geisler ang kanyang kontrobersyal na nakaraan. Sa ginanap na Incognito: Final Mission finale press conference noong Hunyo 25 sa Quezon City, ibinahagi ng batikang aktor ang kanyang kasiyahan at personal na pag-usbong kasabay ng pagganap niya bilang Miguel Tecson, isang agent at recovering alcoholic sa nasabing serye.

Baron Geisler, proud na natapos ang 'Incognito' na walang kontrobersiya
Baron Geisler, proud na natapos ang 'Incognito' na walang kontrobersiya (đź“·@baron.geisler/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Baron, ito ang unang pagkakataon sa mahabang panahon na ginampanan niya ang papel ng isang "good guy." Kilala kasi siya sa industriya sa kanyang mga intense at anti-hero characters, kaya't kakaibang hamon para sa kanya ang bagong role. “Yes it’s my first time playing a good guy and it’s quite challenging... So iba naman yung timpla pagdating sa good guy role,” aniya.

Pero higit pa sa pagganap, personal ang naging koneksyon ni Baron sa papel ni Miguel. Pareho silang recovering alcoholic at aminado ang aktor na tumatak sa kanya ang karakter. “Miguel hits home talaga... I will cherish this for the rest of my life,” sabi pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin itinago ni Baron ang kanyang kasiyahan sa pagiging maayos at disiplinado sa buong shoot ng serye. “Una, natapos ko na hindi ako nagkalat! This is the first show na maipagmamalaki ko na hindi ako pumasok sa set na nakainom... kaya ko pala,” dagdag niya. Ayon sa kanya, nais niyang panatilihin ang ganitong estado sa bawat proyekto sa hinaharap.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi rin niya ang pasasalamat sa buong team ng Incognito, lalo na sa mga eksena sa Marawi kung saan kinunan ang finale. “Grateful for the hardworking team who brought passion and dedication every single day,” caption niya.

Si Baron Geisler ay isa sa mga pinaka-kilalang aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang teen star sa '90s at hinangaan sa kanyang husay sa pag-arte. Subalit, ilang taon siyang naligaw ng landas dahil sa kanyang mga bisyo, partikular na sa alak, na naging sanhi ng mga kontrobersiya at legal na isyu. Sa mga nakalipas na taon, unti-unti niyang binabago ang kanyang buhay, at ngayon ay isa nang public advocate sa addiction recovery.

Ipinahayag ni Baron Geisler ang kanyang saloobin sa social media hinggil sa bagong panukalang batas na nagpapalawak sa kapangyarihan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Para sa aktor, may panganib itong magamit upang supilin ang kalayaan sa sining at malayang pamamahayag. Iginiit niya ang kahalagahan ng creativity at artistic freedom sa industriya.

Ibinahagi ni Baron Geisler na komportable siya sa pagganap bilang Doc Miguel, isang mabuting karakter sa Incognito. Ayon sa kanya, nakakapanibago man ang pagiging good guy, masaya siya na nabigyan ng bagong direksyon ang kanyang karera. Umaasa rin siyang magsilbi itong inspirasyon sa ibang artistang nagbabalik-loob sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate