Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakilig sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga

Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakilig sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga

  • Nagpakilig sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga sina Gerald Anderson at Julia Barretto
  • Ito ay matapos na maging panauhin si Gerald ng nasabing programa
  • Kasalukuyang pino-promote ni Gerald ang bagong serye niyang 'Sins of the father'
  • Matatatandaang umugong kamakailan ang hiwalayan umano nila ni Julia na pinabulaanan naman ng kani-kanilang panig

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagdulot ng saya at kilig ang aktor na Gerald Anderson nang bumisita siya at maging panauhin ng Eat Bulaga ngayong Hunyo 25.

Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakilig sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga
Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakilig sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga
Source: Youtube

Matinding kantsawan ang inabot nila ni Julia Barretto na co-host ng nasabing programa.

Isa-isang pinabati ni Wally Bayola si Gerald na nasa studio at isa na nga roon si Julia.

"Pwede po bang i-close up ng konti? Parang maganda po 'yan ah?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At tuluyan na nga niyang binati ang nobya "Hello po Ms. Julia... Pwede po ba kitang dalawin diyan minsan?"

"Kailangan mo munang magpaalam sa aking pamilya dito, sa aking ninong," ang naging sagot naman ni Julia.

Matatandaang noon pang Mayo ay isa si Julia sa mga nagpapasaya lalo sa programang Eat Bulaga.

Sa ngayon, abala si Gerald sa bago niyang teleserye na "Sins of the father" na umere na noong Hunyo 23. Kaya namang patuloy ang pagbisita ni Gerald sa iba pang mga programa upang i-promote ang kanyang pinakabagong serye.

Samantala, narito ang kabuuan ng kilig moments ng JuRald sa Eat Bulaga:

Si Julia Barretto ay isang sikat na aktres at influencer sa Pilipinas. Nagmula siya sa kilalang showbiz clan ng Barretto family. Noong 2024, pinagbidahan niya ang mga pelikulang Un/Happy for You (kasama si Joshua Garcia) at Hold Me Close (kasama si Carlo Aquino), at nominado bilang Best Leading Female sa 2024 Asian Television Awards para sa digital series niyang Secret Ingredient. Siya ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Sa kabila ng kontrobersiya kamakailan nang ikasal ang kapatid niyang si Claudia, nanatiling tahimik si Julia hanggang sa mismong ang ina nilang si Marjorie ang humarap sa publiko upang ipagtanggol ang kanyang mga ank

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa personal na buhay ni Julia. Kamakailan lang, pinabulaanan niyang nag-break sila ni Julia habang naka-usap kay Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon

Sa isang panayam ni Hayb Anzures para sa vlog na Pareng Hayb Studios, nagbukas ng saloobin si Gerald tungkol sa kanyang relasyon. Inamin niyang naging unfair umano siya sa kanyang partner ang alam niyang kinakailangang bumawi siya rito. Sa kabila umano ng hectic schedule, sinabi ni Gerald na patuloy siyang humahanga kay Julia bilang partner, na inilarawan niyang “maalaga, mapagmahal, at inspirasyon.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica