Alodia Gosiengfiao, ligtas matapos ang emergency landing ng sinakyang eroplano

Alodia Gosiengfiao, ligtas matapos ang emergency landing ng sinakyang eroplano

  • Kasama si Alodia Gosiengfiao sa flight passengers ng Qatar Airways na naapektuhan ng missile attack ng Iran sa isang US base sa Qatar
  • Nag-emergency landing ang kanilang flight sa India para sa kaligtasan ng lahat ng pasahero
  • Inilahad ni Alodia sa Instagram Stories ang kanyang karanasan habang nasa gitna ng tensyon sa Middle East
  • Nakarating siya ng ligtas sa Doha ngunit inabot ng matagal ang rebooking dahil sa kanselasyon ng iba pang flights

Hindi inaasahan ng content creator at cosplay icon na si Alodia Gosiengfiao na mauuwi sa emergency landing ang kanyang flight patungong Doha, Qatar, matapos maglunsad ng missile attack ang Iran sa isang US military base sa rehiyon.

Alodia Gosiengfiao, ligtas matapos ang emergency landing ng sinakyang eroplano
Alodia Gosiengfiao, ligtas matapos ang emergency landing ng sinakyang eroplano (📷Alodia Gosiengfiao/Facebook)
Source: Facebook

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories nitong Martes, Hunyo 24, ibinahagi ni Alodia ang kabuuang karanasan habang sakay ng Qatar Airways flight QR933.

“Emergency landing in India. Praying for the safety of everyone in Doha,” saad niya sa post kung saan makikita ang in-flight map. Ayon sa update ng content creator, ang kanyang ruta sana ay MNL > DOHA > FRA, patungo ng Frankfurt, Germany. Ngunit dahil sa biglaang pag-atake sa Al Udeid Air Base ng US sa Qatar, nagdesisyon ang piloto na agad mag-landing sa India para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Read also

Daniel Miranda, binuking ang tungkol sa naging tampuhan nila ni Sofia Andres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa sumunod niyang post, sinabi ni Alodia na ligtas siyang nakarating sa Doha ngunit maraming biyahe ang nakansela kaya’t matagal ang rebooking process. “Hope all will be well,” dagdag pa niya, sabay dasal para sa mga taong kasalukuyang apektado ng tensyon sa rehiyon.

Ang missile strike ay bahagi ng patuloy na military tension sa pagitan ng Iran, Israel, at ng US, matapos umanong lumahok ang Amerika sa kampanyang militar ng Israel laban sa Iran. Ayon sa gobyerno ng Qatar, matagumpay nilang na-intercept ang mga missile ngunit nagpahayag silang “may karapatan silang tumugon sa anumang uri ng agresyon.”

Si Alodia Gosiengfiao ay isang kilalang personalidad sa mundo ng cosplay, streaming, at content creation. Isa siya sa mga pioneer ng cosplay sa Pilipinas at kinikilala rin sa ibang bansa bilang gaming influencer at co-founder ng Tier One Entertainment. Maliban sa kanyang online presence, kilala rin siya sa kanyang mga collaborations sa tech brands at fashion features.

Read also

Jericho Rosales, kinaaliwan sa mga patama niya tungkol sa kinalat na basura sa tabing dagat

Sa isang nakakatuwang Instagram reel, ipinakita ni Alodia ang unang cosplay ng kaniyang baby na si Cameron, na naka-“Dragon Quest Legendary Baby Armor” mula sa Square Enix Asia. Makikitang nagbukas sila ng costume kasama ang asawa niyang si Christopher Quimbo at ipinahid ang suot sa kanilang anak, na nagdulot ng “aww” reactions mula sa netizens. Ibinahagi rin niya sa captions at comments ang inspirasyon mula sa klasikong laro, na nagpasaya sa dalawang magulang at nagbigay saya sa mga fans.

Noong Hunyo 12, inamin ni Alodia na ang pagiging bagong ina sa kanilang unang anak na si Cameron ay "super rewarding," ngunit kinilala rin niya ang hirap ng tamang time management bilang bagong magulang. Ayon pa sa kanya, nagiging indulgent sila sa ngayon at nagpaparaya sa kanilang baby, subalit balak nilang maging mas balanse kapag lumaki na ito. Napansin din ni Alodia na may natural na hilig sa musika ang bata, na posibleng namana mula sa tatay niyang si Christopher.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate