GF ni Hash Alawi, finlex ang pagiging sweet nito sa kanya: "I feel like the luckiest girl"
- Si Hash Alawi ay tila nag-viral sa social media dahil sa post ng kanyang girlfriend
- Kamakailan lang ay nag-post kasi si Paula Martinez ng papuri para kay Hash sa Instagram
- Aniya Paula, bumili raw kasi ng sasakyan at nag-hire pa nga ng driver si Hash para sa kanya
- Ipinaliwanag naman ni Paula kung bakit iyon nagawa ni Hash para sa kanya sa isang post
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Hash Alawi, isang kilalang YouTuber at kapatid ni Ivana Alawi, ay nag-viral matapos purihin ng kanyang girlfriend na si Paula Martinez ang pagiging maalaga at thoughtful nito bilang nobyo.

Source: Instagram
Sa isang post na ibinahagi ni Paula sa Instagram, hindi niya napigilang ibahagi kung gaano siya kaswerte sa pagmamahal at pag-aalaga ni Hash na talaga namang nagpakilig sa maraming fans.
"Not trying to flex, but I honestly feel like the luckiest girl. My boyfriend bought a car and hired a driver just so I wouldn't have to drive myself around for errands — and so I could rest and sleep in between," ani Paula sa kanyang caption sa viral niyang post sa photo-sharing app na Instagram.
Ibinahagi rin niya na madalas sabihin ni Hash ang layunin nitong padaliin ang buhay niya sa araw-araw. "He constantly tells me his goal is to make my life easier and he lives that out every single day. I don't think I've ever known love like this before. TY, Bebe @hash.alawi!" ani Paula.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasunod ng kanyang post, naglabas pa si Paula ng isa pang update upang bigyang-linaw ang kanyang naunang kwento. Ayon sa kanya, "The post was to appreciate my boyfriend for stepping up and taking care of me — because, frankly, not everyone who's in a relationship gets that."
Sa parehong post, inamin niyang hindi pa siya lubos na naka-recover mula sa flu, kaya't sobrang na-appreciate niya ang ginawa ni Hash, "Today I had to run errands with my head pounding, chills creeping in, and a constant cough, since I still haven't fully recovered from the flu. Just the thought of having to drive myself around while sick, in this awful weather and traffic, made me realize how tough it really would've been," pagbabahagi pa niya sa kanyang viral Instagram post.
Umani ng papuri ang sweetness ni Hash mula sa mga netizens, at maraming tagahanga ang talagang kinilig sa pagiging maalalahanin at responsable niyang boyfriend kay Paula.

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Hash Alawi ay isang kilalang social media personality sa Pilipinas, siya rin ay makilala bilang kapatid nina Ivana at Mona Alawi. Sa kasalukuyan, aktibo siyang nagpo-post sa Instagram at TikTok, at may higit sa 2.5 milyon subscribers sa YouTube. Bukod sa pagiging influencer niya, tampok din si Hash sa ilang vlogs ng kanyang kapatid na si Ivana, kabilang na nga ang isang viral vlog kung saan ipinakilala na niya ang kanyang girlfriend na si Alexis Paula Martinez.
Sa nakaraang report ng KAMI noong 2023 ay kinakiligan sina Hash Alawi at ang kanyang girlfriend na si Alexis Paula Martinez sa bagong vlog nila. Lingid sa kaalaman ni Alexis ay may challenge na ginagawa si Hash at iyon ay ang bilhin niya lahat ng mahawakan ng kanyang girlfriend. Kinalaunan ay tila nakahalata na rin si Alexis kaya binibiro niya si Hash.
Samantalang noong 2023 din ay todo puri ni Ivana Alawi ang girlfriend ni Hash. Aniya sobrang bait at simple nito kaya naman love na love ito ng kanyang pamilya. Kaya hindi kataka-taka kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Hash sa girlfriend. Kahit pa third wheel si Ivana sa date nina Alexis at Hash, sobrang enjoy pa rin nito sa kanilang naging cute bonding.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh