Jhong Hilario, pinagsabihan si Sarina nang ito'y mawala sa park: "Mommy was crying"

Jhong Hilario, pinagsabihan si Sarina nang ito'y mawala sa park: "Mommy was crying"

  • Si Jhong Hilario at ang kanyang asawa na si Maia Azores ay tila nag-alala dahil kay Sarina
  • Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan sina Jhong at Maia kasama ang kanilang anak
  • Habang sila ay nasa Tokyo Disneyland, tila nawala ng mahigit 10 minute si Sarina sa parke
  • Ani pa nila sa caption, naiyak na nga raw si Maia dahil sa tagal nang nawawala si Sarina

Si Jhong Hilario at ang kanyang asawa na si Maia Azores ay labis na kinabahan matapos mawala ng ilang minuto ang kanilang anak na si Sarina habang sila ay nasa amusement park sa Japan.

Sa isang post sa opisyal na Instagram page ni Sarina, masayang ibinahagi ng Pamilya Hilario na muli silang bumalik sa Japan bilang selebrasyon para sa kaarawan ni Maia ngayong taon.

Jhong Hilario, pinagsabihan si Sarina nang ito'y mawala sa park: "Mommy was crying"
Jhong Hilario, pinagsabihan si Sarina nang ito'y mawala sa park: "Mommy was crying" (@sarinahilario)
Source: Instagram

"We are back in Japan for Mommy Maia's birthday. Even if it's Sarina's second time in Tokyo, it's still full of epic firsts and unexpected surprises!" ani nila sa caption ng kanilang viral online post.

Habang sila ay nasa Tokyo, nagdesisyon ang mag-asawa na dalhin si Sarina sa Tokyo Disneyland para sa isang masayang family day. Subalit nauwi ito sa isang nakakakabang insidente nang bigla na lamang mawala si Sarina at hindi nila ito makita nang mahigit 10 minute sa parke.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa caption ng viral na post, nagsimula nang umiyak si Maia sa pag-aalala, at agad na silang humingi ng tulong sa management staff ng Disneyland para mahanap agad si Sarina sa parke.

"Her first time getting lost... and it wasn't just a quick one. Mommy was already crying, we had reported it to the management, and everyone was looking for her," bahagi ng kanilang kwento.

Sa kabutihang-palad, si Jhong mismo ang nakakita kay Sarina makalipas ang 10 minuto — kalmado at tila nag-eenjoy habang namimili ng mga laruan sa isang store, "After 10 minutes, Daddy finally found her. She had managed to go up to the second floor on her own and was calmly chilling with a basket full of toys. She went shopping. By herself," dagdag pa nila sa caption.

Kalakip ng post ay isang maikling video kung saan maririnig si Jhong na kalmadong pinapaalalahanan si Sarina na huwag nang muling lumayo nang hindi nagpapaalam.

Swipe left para makita ang iba pang pictures at videos:

Si Jhong Hilario ay isang kilalang aktor, mananayaw, TV host at politiko. Sumikat siya bilang miyembro ng tanyag na dance group na Streetboys, bago magkaroon ng karera sa pag-arte. Nakilala siya sa kanyang mga antagonistic roles tulad ni Gary David sa remake ng Mara Clara at Homer "Alakdan" Adlawan sa FPJ's Ang Probinsyano. Bukod dito, isa rin siyang regular host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Sa personal naman niyang buhay, siya ay kasal kay Maia Azores, at sila ay may cute na anak na babae na si Sarina Oceanía Hilario.

Sa nakaraang report ng KAMI noong May ay pinasaya ni Sarina Hilario, anak nina Jhong Hilario at Maia Azores, ang puso ng maraming netizens. Ito ay matapos ma-upload sa kanyang social media page ang isang video na nagpapakita ng ilang kaganapan sa kanyang moving-up day. Sa naturang ceremony, nakatanggap ng ilang parangal ang kilalang celebrity kid. Naroon din ang kanyang mga mahal sa buhay upang masaksihan ang makabagbag-damdaming okasyon.

Samantalang nagpasalamat naman si Jhong Hilario sa mga taga-Makati sa kanilang suporta sa Hilario Cares at Team United. Nanguna ang kanyang ama na si Virgilio Hilario Sr. sa pagka-konsehal sa Makati. Nakakuha si Virgilio Sr. ng mahigit 61,000 na boto, batay sa partial at unofficial results. Patuloy na nangako si Jhong ng tapat na serbisyo publiko sa Makatizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco