Ynez Veneracion, inaming hindi siya love ng camera at gustong ipa-reverse ang nose job
Inamin ni Ynez Veneracion na hindi siya komportable sa resulta ng kanyang rhinoplasty
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sinabi ng aktres na mas gusto pa niyang makita nang personal kaysa sa TV
Game niyang sinagot ang mga basher at aminadong siya mismo ang bumabatikos sa sarili
Binanggit niyang posible siyang sumailalim sa reverse nose job dahil sa panghihinayang
Bukas si Ynez Veneracion sa posibilidad na sumailalim sa reverse nose job matapos niyang amining hindi siya ganap na kuntento sa naging resulta ng kanyang cosmetic procedure.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa ulat ng GMA News, buong tapang na sinabi ng aktres, “Parang hindi ko lang siya nagustuhan. Nagmukha akong witch!” habang pinasaringan pa ang doktor na gumawa sa kanya ng ilong. Dagdag pa niya, “Akala ko ba gagawin mo akong Barbie? Ginawa mo akong witch. Ha-ha!”
Ayon kay Ynez, nagsimula siyang magpa-retoke noong siya ay 20 taong gulang pa lang. Inamin din niya na masaya siya sa mga enhancement sa loob ng dalawang dekada. Ngunit nitong mga huling taon, napansin niyang nagsimula nang magsag ang mga fillers, dahilan kaya’t ngayon ay mas pinipili na lamang niyang magpa-RF (radio frequency) treatment para sa maintenance. “So, nag-RF ako… Siguro yung fillers na nilagay noon talagang nag-sag na… Ngayon, niremedyuhan ko na lang,” paliwanag ng aktres.
Bukod sa kanyang mga retoke, tinutukan din ng publiko ang kanyang pagiging prangka at totoo sa sarili. Sa kabila ng mga bash na natatanggap niya, nananatiling kalmado at game si Ynez. “Sabi ko nga, bakit masyadong big deal ang pagpapaayos, pagpapaganda?… Ako lang ba ang nagparetoke? Haller?” sabay tawa niya sa press. Aniya, kung marami ring nagpa-enhance, bakit siya lang ang binibigyan ng spotlight?
Nagpakatotoo rin si Ynez sa pagsasabing hindi siya “love ng camera,” kaya’t minsan ay gumagamit siya ng light filters. “Kaya nga kadalasan, kahit sa camera ko, nagpi-filter ako pero light lang. Ayaw ko namang mabura ang mukha ko,” aniya. Ngunit mas kampante raw siya kapag personal siyang nakikita ng mga tao. “Mas gusto ko yun, na hindi ka kagandahan sa TV, pero dyosa sa personal,” dagdag pa niya.
Naikwento rin ni Ynez ang ilang karanasan kung saan sinabi sa kanya ng mga nakakita sa kanya na mas maganda siya sa personal kaysa sa screen. Isa sa mga reaksiyon ng taong nakasalubong niya ay: “Ay iba pala siya!… Iba talaga ang hitsura mo sa TV kaysa sa personal.” Hindi man perpekto para sa camera, tila mas pinapaboran ni Ynez ang natural niyang hitsura kapag face-to-face.
Si Ynez Veneracion ay isang beteranang aktres na kilala sa mga mapangahas na papel noong dekada ‘90 at sa kanyang kontribusyon sa telebisyon at pelikula. Sa kabila ng paglipas ng panahon, nananatiling aktibo si Ynez sa industriya at kilala rin sa kanyang pagiging totoo at palaban sa mga isyu sa katawan, retoke, at self-image. Isa siya sa iilang personalidad sa showbiz na hayagang kinikilala ang kanyang mga enhancement procedures.
Diretsahang hinarap ni Ynez Veneracion ang mga bashers na bumabatikos sa kanyang itsura dahil sa mga enhancement na ginawa niya. Aniya, wala siyang dapat ipaliwanag at kung maganda ang pakiramdam niya sa sarili, sapat na iyon. Hindi rin niya ikinaila ang mga retoke at proud siyang kaya niyang panindigan ito.
Nag-viral si Ynez nang mag-post siya ng litrato kasama si Congressman Toto Mangudadatu at ang kanilang anak sa isang dinner. Marami ang natuwa at humanga sa aktres dahil sa pagiging hands-on mom niya. Ipinakita rin ng larawan ang pagkakaayos ng kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh