John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”

John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”

  • Nagsalita si John Arcilla sa social media tungkol sa paglipana ng mga higanteng moth sa Metro Manila
  • Tinawag niya itong “alarming” at senyales ng banta sa ecological system
  • Ipinaliwanag ng isang eksperto na ang mga moth ay nawawalan ng host plants sa kagubatan kaya napapadpad sa siyudad
  • Ayon kay Arcilla, maaring maapektuhan ang balanse ng kalikasan kung maglalaho ang mga insektong gaya ng moths at bees

Naglabas ng saloobin ang multi-awarded actor na si John Arcilla kaugnay sa napapansing pagdami ng higanteng paruparo o moths sa Metro Manila nitong mga nakaraang linggo. Sa kanyang Facebook post, nagpahayag ng pagkabahala si Arcilla sa sinasabing ecological disturbance na dulot ng paglitaw ng mga ito sa mga urban area.

John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming”
John Arcilla, nababahala sa pagdami ng malalaking paruparo sa lungsod: “It’s very alarming” (📷John Arcilla/Facebook)
Source: Instagram

“Yes, it’s very alarming. It signifies a threat in our ecological system,” pahayag ni Arcilla sa naturang post. Ayon pa sa aktor, ang patuloy na pagkawala ng mga host plants at kagubatan ang pangunahing dahilan ng pagkakawala ng mga insektong mahalaga sa ekosistema tulad ng moths at bees. “Continuous disappearances of host plants and forests affect their existence and the human resources in return. Moths and bees are hosts of plant transfers from territories to another. Their extinction will definitely affect the equilibrium of the ecosystem,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ng aktor, hindi lang ito simpleng phenomenon kundi isang disturbing reality. “It is actually disturbing and fretful,” ani Arcilla.

Sa panayam ng GMA Network kay research associate Edriel Lee, ipinaliwanag nitong ang mga insektong ito ay tinatawag na tropical swallowtail moths, mas kilala sa lokal na tawag na "mariposa." Karaniwan itong matatagpuan sa mga kagubatan sa Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas. Ayon kay Lee, dahil sa pagkaubos ng kanilang mga host plants, napipilitan ang mga moths na humanap ng bagong tahanan at napapadpad sila sa siyudad na puno ng liwanag.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Now, as you probably know, moths are generally attracted to light. In search of new hosts, they become tempted to detour into the glistening, shimmering urban metropolis. Unfortunately, their host plants from the genus Endospermum—at least in Singapore—can only be found in forests and are absent in cities. As a result, the migrating moths are not able to reproduce,” aniya.

Dagdag pa ni Lee, ang biglang paglabas ng mga moth ay maaring konektado rin sa pagsisimula ng tag-ulan—isang natural na trigger ng kanilang paggalaw.

Si John Arcilla ay isang batikang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang Antonio Luna sa Heneral Luna at sa kanyang award-winning performance sa pelikulang On the Job: The Missing 8, kung saan siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Best Actor award sa Venice Film Festival. Kilala rin si Arcilla sa kanyang pagiging aktibong mamamayan at sa pagsasalita ukol sa mga isyung panlipunan at pangkalikasan.

Sa isang viral post, ibinahagi ni John Arcilla ang kanyang pagkadismaya sa kondisyon ng isang classroom kung saan kita ang sirang mesa. Muling iginiit ng aktor ang pangangailangan para sa maayos na edukasyon at mas responsableng paggamit ng pondo. Umani ng papuri at suporta ang kanyang pahayag mula sa netizens na sumasang-ayon sa kanyang obserbasyon.

Ipinakita ni John Arcilla ang ilang masayang sandali mula sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang Instagram post. Makikita rito ang simpleng selebrasyon kasama ang malalapit na kaibigan at pamilya. Pinuri ng mga netizens ang kanyang pagiging grounded at appreciative sa simpleng buhay sa kabila ng kanyang tagumpay bilang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate