Janica Nam, ikinasal na sa kanyang longtime boyfriend na si Lorenz Sia
- Si Janica Nam, isang kilalang media influencer, ay ikinasal na sa kanyang boyfriend
- Bagamat nagulat sa una ay ikinatuwa pa rin ng marami ang balitang ito ng influencer
- Ibinahagi kasi kamakailan lang ni Janica sa isang Instagram post ang masayang balita
- Aniya sa kanyang wedding seremonya, "Just us, our families, no one knew until today"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Janica Nam, isang kilalang social media influencer, ay ikinasal na sa kanyang longtime boyfriend na si Lorenz Sia ngayong taon, na ikinagulat naman ng marami kamakailan lang.

Source: Instagram
Bagamat nagulat sa una ay ikinatuwa pa rin ng maraming tagahanga ni Janica ang kanyang Instagram post nitong Sunday, June 22, kung saan ibinahagi niya ang ilang opisyal at napakagandang na larawan mula sa kanilang kasal na kuha ng Nice Print Photography.
Sa caption ng kanyang post na agad naging viral, masayang ibinahagi ni Janica na sila ni Lorenz ay nagpalitan na ng "I do's" matapos ang limang taong relasyon na nagpakilig sa marami.
Batay sa post, ginanap ang kasal noong May 31 sa isang tahimik at pribadong seremonya na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya, "May 31, 2025, Just us, our families. No one knew. Until today. We chose to keep this moment quiet, no big announcements, no crowd. We didn't get here overnight. We grew through hard conversations, took every fight, and every 'let's try again.'"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa parehong post, inilahad ni Janica kung gaano kabuo at katotoo ang pagmamahalan nila ni Lorenz. Ani Janica, si God daw ang nagsulat ng kanilang love story, "Not everyone saw the journey. But those who did, know this love was pure and real. Love was never just the easy parts, it was how we stayed when things got hard, and how we kept choosing each other every time. Because when God writes your love story, it won't be easy but it will always be worth it."
Maraming netizens naman ang natuwa at bumati kay Janica, na kilala rin sa kanyang nakaraang relasyon kay Franco Hernandez, isang sikat na Hashtag member na pumanaw noong 2017.
Para sa marami, ang kasal na ito ay simbolo ng kanyang healing at bagong simula sa buhay—isang kwento ng pagbangon, pagmamahalan, at pananampalataya sa tamang panahon.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:
Si Janica Nam Floresca ay isang model at social media influencer. Nakilala rin siya bilang dating kasintahan ng yumaong dancer at TV personality na si Franco Hernandez, na nasawi sa isang boating incident. Sa kasalukuyan, mas naging aktibo si Janica sa social media, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang love life kasama ang kanyang bagong nobyo na si Lorenz Sia.
Sa nakaraang report ng KAMI noong 2023 ay nagbahagi si Janica Nam ng sunod-sunod na mga larawan sa kanyang Instagram feed. Makikita sa kanyang post ang ilang sandali mula sa pagbisita niya sa yumaong Hashtag member na si Franco Hernandez sa anibersaryo ng kanyang kamatayan. Kapansin-pansin na kasama niya ang kanyang kasalukuyang kasintahan.
Samantalang, noong 2019 ay ginunita naman ni Janica Nam ang ika-2 anibersaryo ng kamatayan ng kanyang yumaong kasintahan na si Franco Hernandez, isang Hashtag member. Sa kanyang post sa social media, inamin niyang nahirapan siya matapos ang pagpanaw ni Franco. Ibinunyag din niya sa kanyang hirap siyang ngumiti at manatiling matatag matapos ang trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh