Ivana Alawi, personal na naghatid ng tulong sa mga batang pasyente ng PCMC
- Personal na bumisita si Ivana Alawi sa Philippine Children’s Medical Center upang maghatid ng tulong pinansyal at pasayahin ang mga batang may karamdaman
- Nagbigay siya ng ₱50,000 sa bawat piling pasyente bilang suporta sa kanilang mga gastusing medikal at emosyonal na kalagayan
- Ayon sa aktres, isang taon ang naging paghahanda nila para sa proyekto upang masigurong maayos ang proseso at may pahintulot ang lahat ng taong makikita sa vlog
- Hinikayat ni Ivana ang kanyang mga tagapanood na huwag i-skip ang ads dahil ang lahat ng kikitain ng video ay idu-donate sa ospital
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi lang sa kamera may puso si Ivana Alawi, kundi lalo na sa totoong buhay. Sa kanyang pinakabagong vlog na pinamagatang “Buhay Ospital”, ipinakita ng Kapamilya actress at vlogger ang kanyang pagbisita sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) upang magbigay ng suporta at tulong sa mga batang dumaranas ng matitinding karamdaman.

Source: Instagram
Sa umpisa pa lang ng video, nilinaw ni Ivana na matagal nilang pinaghandaan ang buong proyekto. “Since last year pa kami nag-prepare sa pagkuha ng mga permit at pagpapaalam sa lahat ng tao na makikita sa video na ito,” saad niya, bilang patunay ng respeto sa privacy ng mga pasyente.
Kasama ang kanyang team, personal niyang kinausap ang mga bata at ang kanilang pamilya, habang inaalam ang mga pangangailangan nila. Naging emosyonal siya habang ipinapakita ang kalagayan ng mga batang may sakit. “Napakahirap kasi magkasakit. Financially, mentally, everything [damay],” sabi ni Ivana.
Sa gitna ng kanyang rounds sa ospital, namahagi siya ng ₱50,000 na tulong pinansyal sa piling mga pasyente upang kahit papaano ay mapagaan ang kanilang pinagdadaanan. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang medical frontliners, at bilang pasasalamat ay nagbigay siya ng bagong cellphone sa isang doktor at nurse na tumulong sa kanya sa ospital.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ni Ivana ang kanyang realisasyon pagkatapos ng karanasan. “Sobrang hirap nung nakita ko ‘yung sitwasyon nila tapos ako umaarte sa mga problema ko. ‘Yung mga bata mas malaki ‘yung problema nila,” aniya.
Sa pagtatapos ng vlog, hinimok niya ang kanyang mga viewers na huwag i-skip ang ads dahil lahat ng kita ng video ay ilalaan bilang donasyon sa PCMC. “Mabigat nakapanood ng mga ganitong kuwento pero pakiusap ko sana wag n’yo po sana i-skip ang mga ads, dahil lahat ng kikitain ng video na ito ay ido-donate natin sa Philippine Children’s Medical Center. Maraming salamat po,” pakiusap ng aktres.
Si Ivana Alawi ay isang aktres, content creator, at negosyante na unang nakilala sa mga Kapamilya teleserye at kalaunan ay sumikat bilang YouTube vlogger. Kilala siya sa kanyang pagiging totoo sa harap ng kamera, pati na rin sa kanyang kabutihang-loob sa mga nangangailangan. Hindi na rin bago sa kanya ang pagtulong, at marami na siyang proyektong charitable na isinagawa sa tulong ng kanyang pamilya.
Ivana Alawi, kumasa sa Cleopatra makeup transformation trend ∣ Ipinakita ni Ivana ang kanyang creativity sa pamamagitan ng pagsali sa Cleopatra-inspired makeup trend. Sa video, kitang-kita ang kanyang husay sa pag-transform at aliw na aliw din ang kanyang mga fans sa final look.
Ivana Alawi, ibinida ang liham ng anak ng isang fan: ‘Mom loves you’ ∣ Naantig si Ivana sa isang sulat na gawa ng anak ng kanyang fan na may mensaheng “Mom loves you.” Pinost niya ito sa kanyang IG stories bilang pasasalamat at pagpapakita ng appreciation sa kanyang mga tagahanga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh