Zeinab Harake, nagpasalamat sa ninong na nag-bless sa kanila ng wedding venue

Zeinab Harake, nagpasalamat sa ninong na nag-bless sa kanila ng wedding venue

  • Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinagot ni Zeinab Harake ang mga tanong tungkol sa umano’y milyon-milyong ginastos sa kasal nila ni Bobby Ray Parks Jr
  • Nilinaw ng content creator na simple lang talaga ang plano nila sa kasal ngunit nagbago ito dahil sa isang ninong na nagbigay ng engrandeng venue
  • Ikinuwento ni Zeinab na ginawa ng limang buwan ang kanilang wedding venue at dahil dito ay minabuti nilang kumuha ng pinakamahusay na suppliers
  • Hindi binanggit ni Zeinab kung sino sa kanilang mga ninong ang responsable sa engrandeng kasal ngunit iginiit niyang ginawa nila ito bilang paggalang at pasasalamat

Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, hindi lamang isyu ng pagbubuntis ang sinagot ni Zeinab Harake, kundi pati na rin ang mga tanong tungkol sa umano’y milyon-milyong piso na ginastos para sa kanyang kasal kay Bobby Ray Parks Jr. noong Hunyo 1, 2025. Ayon sa content creator, ang kasal nila ay dapat sanang simple lamang, ngunit nagmistulang engrande dahil sa isang espesyal na regalo mula sa isa sa kanilang mga ninong.

Zeinab Harake, nagpasalamat sa ninong na nag-bless sa kanila ng wedding venue
Zeinab Harake, nagpasalamat sa ninong na nag-bless sa kanila ng wedding venue (📷GMA Network/YouTube)
Source: Youtube

Ani ni Zeinab, “Actually, yung first decision namin nung nag-start pa lang kaming magplano is simple wedding lang...” Ngunit ayon sa kanya, isang ninong ang nag-bless sa kanila at siya ang nagpagawa ng wedding venue na tumagal ng limang buwan. Dahil dito, napagdesisyunan nilang iayon ang lahat — mula sa suppliers hanggang sa design — sa antas ng ipinagkaloob na venue.

“Sabi namin, kailangan naming i-give back dun sa nag-bless sa amin na ninong namin na we need to get the best suppliers and everything, that’s why mukha siyang naging big wedding,” dagdag pa niya. Sa huli, sinabi rin ni Zeinab na ginawa nila ito upang maipakita ang kanilang pasasalamat at respeto sa kanilang ninong, at hindi ito simpleng pagpapasikat lang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagamat hindi binanggit ni Zeinab kung sino ang tinutukoy na ninong, malinaw sa kanyang pahayag na malaking bahagi ng engrandeng selebrasyon ay bunga ng isang blessing at hindi simpleng pagwawaldas ng pera. Nilinaw rin niyang sila na ang nag-asikaso ng iba pang aspeto ng kasal upang mapantayan ang effort na ibinigay ng naturang ninong.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga pinakasikat na vloggers at content creators sa bansa. Kilala siya sa kanyang candid na pagbabahagi ng personal na buhay, pagiging hands-on mom, at pagiging tapat sa kanyang fans. Isa rin siya sa mga online personalities na palaging nasusubaybayan ng publiko, lalo na pagdating sa kanyang mga relasyon at pamilya. Ngayon ay mas pinagtutuunang pansin ng publiko ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang misis ni Bobby Ray Parks Jr., isang propesyonal na basketball player na naglalaro sa Japan.

Sa isang nakakaantig na social media post, ipinasilip nina Zeinab at Ray Parks Jr. ang masayang pagdiriwang nila ng Father’s Day. Makikita sa mga litrato ang closeness ng pamilya at ang aktibong partisipasyon ni Ray sa pagiging ama hindi lang sa biological child nila kundi pati na rin sa anak ni Zeinab mula sa dating relasyon. Isang magandang halimbawa ito ng blended family na puno ng pagmamahalan.

Isa sa mga kaibigan ni Zeinab na nagpahayag ng tuwa at suporta sa bagong yugto ng kanyang buhay ay si Yassi Pressman. Sa kanyang post, binati niya ang bagong kasal at sinabing karapat-dapat sa “forever” sina Zeinab at Ray. Ipinakita rin ng mensahe ang lalim ng pagkakaibigan nila at ang pagmamalasakit ni Yassi sa kaligayahan ni Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate