Dating action star Victor Neri, isa nang ganap na law graduate

Dating action star Victor Neri, isa nang ganap na law graduate

  • Matapos ang ilang dekada sa showbiz, matagumpay na nagtapos si Victor Neri ng law degree sa University of Bohol ngayong taon, isang tagumpay na hindi niya inalintana kahit sa edad na 49
  • Hindi naging hadlang ang kanyang pagiging abala bilang chef, restaurateur, at dating opisyal ng Bureau of Immigration sa pag-abot ng pangarap niyang maging abogado
  • Inspirasyon si Victor sa maraming Pilipino dahil sa kanyang dedikasyon sa edukasyon at pagsusumikap na makamit ang bagong propesyon sa kabila ng kanyang matatagumpay nang karera
  • Sa kabila ng kabiguan sa pulitika matapos matalo sa pagka-alkalde ng Makati nitong 2025, mas pinili ni Victor na magpatuloy sa kanyang personal na paglago at edukasyon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Pinatunayan ng dating action star na si Victor Neri na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap. Sa edad na 49, matagumpay niyang natapos ang kursong Juris Doctor sa University of Bohol ngayong taon, ayon sa ulat ng Bandera. Kilala sa kanyang matitikas na papel sa pelikula at serye, isa na rin siyang ganap na law graduate, isang tagumpay na dagdag sa listahan ng kanyang mga naabot sa buhay.

Dating action star Victor Neri, isa nang ganap na law graduate
Dating action star Victor Neri, isa nang ganap na law graduate (📷Leah Tirol Magno/Facebook)
Source: Facebook

Bago pumasok sa mundo ng batas, pinasok muna ni Victor ang iba’t ibang larangan. Isa siyang chef at restaurateur na nag-aral ng international cuisine sa Bangkok at iba pang bahagi ng Asia. Pansamantala siyang nagpaalam sa showbiz para palawakin ang kanyang kaalaman sa pagluluto. Nagsilbi rin siyang explosive ordinance disposal technician at nakapag-training pa sa Philippine Coast Guard.

Bukod pa rito, naging officer din siya sa Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration. Hindi biro ang kanyang naging karera, kaya naman mas kahanga-hanga ang kanyang tagumpay sa akademya. Sa kabila ng matinding schedule at seryosong trabaho, hindi niya isinuko ang pangarap na maging abogado.

Una siyang nakilala bilang teen star sa 90s youth-oriented show na “Ang TV” at bilang miyembro ng unang batch ng Star Circle. Naging pangunahing bida rin siya sa ilang mga action films noong dekada '90 gaya ng "Iskalawag," "Birador," at "Ex-con." Bumida rin siya sa Hollywood film na "Brokedown Palace."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong 2014, bumalik siya sa showbiz sa pamamagitan ng seryeng "Hawak Kamay," at nito lang ay napanood sa "Lavender Fields" at "Lolong: Bayani ng Bayan." Tumakbo rin siyang mayor ng Makati noong 2025 ngunit natalo kay Sen. Nancy Binay. Sa kabila nito, nananatili siyang aktibo at inspirasyon sa marami.

Si Victor Neri ay isang multi-talented na personalidad na kilala sa kanyang husay sa pag-arte, pagluluto, at ngayon ay sa larangan ng batas. Isa siyang miyembro ng Iglesia Ni Cristo at naging vocal tungkol sa kanyang pananampalataya at prinsipyo sa ilang mga isyu sa simbahan.

Si Victor ay naging sentro ng balita matapos siyang maglabas ng hinaing tungkol sa ilang practices ng Simbahang Katolika. Bilang isang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, inilahad niya ang kanyang opinyon sa publiko kaugnay sa religious differences.

Isa pang kilalang personalidad ang nagtapos ng kolehiyo ay si Ruffa Gutierrez. Siya ay nagtapos sa Philippine Women’s University ng kursong Communication Arts at ibinahagi ang kanyang tagumpay sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate