Yassi Pressman, may mensahe kay Zeinab Harake at Ray Parks Jr. matapos ang kasal

Yassi Pressman, may mensahe kay Zeinab Harake at Ray Parks Jr. matapos ang kasal

  • Si Yassi Pressman ay tila nag-viral kamakailan lang dahil sa kanyang mga Instagram story
  • Ibinahagi kasi ng aktres ang ilang mga pictures mula sa kasal ni Zeinab Harake ngayong taon
  • Matatandaang kabilang kasi si Yassi sa entourage ni Zeinab sa kanyang espesyal na araw
  • Sa kanyang post ay nagsulat naman si Yassi ng nakakaantig na mensahe para sa newlyweds

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Yassi Pressman ay muling nagpaantig ng puso ng maraming netizens matapos siyang mag-post ng isang love-filled note para sa kanyang kaibigang si Zeinab Harake matapos ang kasal nito.

Yassi Pressman, may mensahe kay Zeinab Harake at Ray Parks Jr. matapos ang kasal
Photos: @niceprintphoto via @yassipressman, @zeinab_harake on Instagram
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Yassi ang ilang mga larawan na kuha mula sa engrande at marangyang kasal nina Zeinab at Ray Parks Jr., na ginanap sa Crystal Palace ng Aquila in the Sky sa Tagaytay City ngayong taon, isang event na talagang nag-viral online.

Dumalo si Yassi sa selebrasyon kasama ang kanyang nobyo na si Luigi Villafuerte, at naging bahagi rin siya ng entourage ni Zeinab, kasama ang ilan pang mga influencer at celebrities.

Matapos ang kasal, nag-post si Yassi ng isang sweet at nakaaantig na mensahe para sa bagong kasal. Aniya ng aktres sa Instagram page, "Zebby, to see you so genuinely happy makes my heart happy. Nakita ko ang mga pinagdaanan mo at pinapalakpakan kita, I admire you, I love you!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ng aktres, labis ang kanyang kasiyahan dahil nakita niyang ibinigay na ni Lord ang tamang tao para kay Zeinab ngayon, "The Lord has really given you the right one, @ray1parks. Ray, you are such a kind human being. Sobrang saya ko para sa inyo, @zeinab_harake."

Matatandaang nag-viral noon at naging kontrobersyal ang dating relationship ni Zeinab, kung kaya't marami ang talaga namang natuwa nang ma-engage ito kay Ray noong July 2024.

Matapos ang ilang mga preparasyon ay kinasal na rin ang dalawa ngayong taon, kung saan natupad pa nga ang pangarap ni Zeinab na makapagsuot ng gown na gawa ni Michael Cinco.

Yassi Pressman, may mensahe kay Zeinab Harake at Ray Parks Jr. matapos ang kasal
Screenshot from @yassipressman on Instagram
Source: Instagram

Si Yassi Pressman ay isang Filipina-British model, actress, host, singer, at dancer. Sa kanyang career, tumatak si Yassi bilang si Alyana Arevalo‑Dalisay sa seryeng FPJ's Ang Probinsyano mula 2016 hanggang 2021, kung saan mas lalo siyang hinangaan bilang aktres. Mayroon din siyang mga pelikula tulad ng Diary ng Panget, Talk Back And You're Dead, at higit pang iba. Samantalang sa personal niyang buhay, siya ang girlfriend ni Luigi Villafuerte, na isang politician sa Pinas.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Yassi Pressman ng bagong video. Sa Instagram, nag-upload si Yassi ng video kung saan nakita niyang may nagbebenta ng pandesal sa kalsada. Bumaba ang aktres mula sa kanyang sasakyan upang bumili. Dahil dito may netizen na nagtanong kung humingi ba si Yassi ng pahintulot bago buksan ang mga paninda ni kuya.

Samantalang, noong 2024, hindi na pina-follow ni Yassi Pressman si Nadine Lustre sa social media. Sa mabilis na pag-check sa socmed account ni Yassi, makikitang hindi na niya pina-follow si Nadine na pumukaw sa atensyon ng marami. Matatandaang kamakailan lang ay in-unfollow din ni Nadine sina James Reid at ang kasintahan nitong si Issa Pressman online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco