Lotlot De Leon, naloko sa bangus deal na umabot sa ₱80K

Lotlot De Leon, naloko sa bangus deal na umabot sa ₱80K

  • Naging emosyonal si Lotlot De Leon sa pagbabahagi ng kanyang naging karanasan sa panloloko kung saan nawalan siya ng ₱80,000 matapos tanggapin ang isang pekeng manager’s check bilang bayad sa kanyang produkto
  • Ang order ay nangyari sa isang food expo kung saan siya nagbebenta ng boneless bangus, at dahil lehitimo ang account number at pangalan sa tseke, hindi agad nila napansin na ito ay peke
  • Sa kabila ng malaking halaga ng nawala, hindi na hinabol ni Lotlot ang taong nanloko sa kanya at ginamit na lamang ang karanasan bilang babala sa iba na magdoble-ingat lalo na sa mga transaksyon sa negosyo
  • Nanawagan ang beteranang aktres sa publiko na huwag basta magtiwala kahit pa mukhang legal ang dokumentong ipinapakita, at binigyang-diin na hindi porket may tseke, ay garantisadong ligtas na ang isang transaksyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi pinalampas ng mga scammer ang batikang aktres na si Lotlot De Leon matapos niyang isalaysay ang hindi niya malilimutang karanasan sa isang panloloko na umabot sa halagang ₱80,000.

Lotlot De Leon, naloko sa bangus deal na umabot sa ₱80K
Lotlot De Leon, naloko sa bangus deal na umabot sa ₱80K (📷@ms.lotlotdeleon/IG)
Source: Instagram

Sa ginanap na media conference ng upcoming ABS-CBN teleserye na Sins of the Father, naitanong sa mga cast kung nakaranas na ba sila ng panloloko o scam. Agad na nagbahagi si Lotlot ng kaniyang pinagdaanang insidente — at hindi ito tungkol sa showbiz, kundi sa negosyo.

Ayon sa aktres, sumali siya noon sa isang food expo kung saan nagbebenta siya ng boneless bangus. Isang kliyente ang nag-order sa kaniya ng bangus na umabot sa ₱80,000. Ang pambayad daw ay manager’s check, kaya’t inakala nilang lehitimo ang transaksyon. Walang pagdududa, ibinigay nila ang order.

Subalit nang tumungo sila sa bangko upang i-encash ang tseke, doon nila napag-alaman ang masaklap na katotohanan: pekeng tseke pala ang ibinigay sa kanila. Nakasaad man ang totoong pangalan ng may-ari at valid din ang account number, hindi pala ito awtorisado o tunay na transaksyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi na raw hinabol ni Lotlot ito at tinanggap na lamang ang nangyari ngunit nanawagan sa publiko na maging maingat, lalo na sa mga ganitong klase ng panloloko na ginagamitan ng mga dokumentong mukhang lehitimo. Ginamit niya ang pagkakataon upang magbigay babala, hindi lang sa mga kapwa artista kundi sa lahat ng may negosyo o plano magnegosyo.

Si Lotlot De Leon ay isa sa mga kilalang aktres sa bansa mula pa noong dekada ’80. Kilala siya sa mga iconic roles niya sa pelikula at telebisyon, at sa pagiging anak-anakan ni Superstar Nora Aunor. Bukod sa pag-arte, kilala rin siya sa pagiging hands-on sa pamilya at sa mga negosyo na sinimulan niya sa labas ng showbiz.

Sa kasalukuyan, bahagi siya ng teleseryeng Sins of the Father ng ABS-CBN. Bukod sa kanyang propesyonal na buhay, muling nauugnay ang pangalan niya sa mga makabagbag-damdaming isyu — personal man o pampubliko.

Sa isang masinsinang post, nanawagan si Lotlot sa mga netizens na irespeto ang yumaong ina na si Nora Aunor. Sinabi niyang masakit para sa kanilang pamilya na makita ang kung anu-anong intriga matapos ang pagpanaw ng Superstar.

Ipinahayag ni Lotlot ang pasasalamat at pagmamahal kay Christopher De Leon bilang ama sa kanilang mga anak. Sa kanyang post, sinabi niyang hindi man perpekto ang lahat, mananatili ang respeto at koneksyon sa pagitan nila bilang magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate