Mayor Vico, hindi aware na nali-link kay Catriona; abala sa trabaho
- Hindi alam ni Mayor Vico Sotto na nali-link siya kay Catriona Gray dahil abala siya sa trabaho bilang alkalde ng Pasig
- Isang beses lamang silang nagkita sa isang event sa BGC at doon lang sila naipakilala sa isa’t isa
- Nag-followan lamang sila sa Instagram at walang naganap na ligawan o anumang espesyal na komunikasyon
- Nilinaw ni Catriona Gray na wala silang romantic connection at hindi dapat bigyang kulay ang isyu
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi napigilan ng publiko ang kilig nang mapansin ng mga netizens na nag-followan sa Instagram sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Agad na nabuo ang tambalang “Vi-Cat” na tila isang bagong kilig fantasy para sa mga tagahanga ng dalawang personalidad.

Source: Facebook
Ngunit tila kabaligtaran ng kilig ang naging reaksyon ni Mayor Vico. Ayon sa isang malapit sa alkalde, hindi raw nito alam na may ganitong klase ng tsismis na kumakalat sa social media. Ito ay base sa pahayag ng source sa Pilipino Star Ngayon.
Bukod pa rito, busy raw si Mayor Vico sa kanyang mga tungkulin sa Pasig at hindi aktibong nagmo-monitor ng mga nangyayari sa social media. Kung kaya, nang matanong ukol sa "Vi-Cat" tandem, tila nagulat pa raw siya dahil isang beses pa lamang silang nagkita ni Catriona sa isang event sa Bonifacio Global City. Sa nasabing okasyon lang daw sila naipakilala sa isa’t isa.
Wala raw ligawan, walang romantic interest, at simpleng interaksyon lamang sa social media ang lahat. Hindi raw dapat bigyang kulay ang isang simpleng follow sa IG.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa isang panayam naman, tinuldukan ni Catriona Gray ang mga haka-haka. Sinabi niyang wala raw romantic connection sa pagitan nila ni Mayor Vico.
Hindi ito ang unang beses na nali-link sa isang personalidad si Mayor Vico. Ilang buwan na ang nakararaan, nai-link siya sa Mayor ng San Manuel, Tarlac na si Donya Tesoro, at sa aktres-TV host na si Atasha Muhlach, anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez. Ngunit sa tuwing lilitaw ang mga ganitong isyu, palagi siyang naninindigang hindi prioridad ang love life.
Si Mayor Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, ay isa sa mga pinakabata at pinaka-pinupuring lider sa bansa ngayon. Mula nang maupo bilang alkalde ng Pasig City, kilala siya sa kanyang matapat at makataong pamamahala. Sa kabila ng kanyang popularidad, nananatiling low-key ang kanyang personal na buhay—lalo na pagdating sa pag-ibig.
Samantala, si Catriona Gray ay hindi lang Miss Universe 2018 kundi isang aktibong advocate rin ng edukasyon at women's rights. Bukod sa kanyang beauty queen status, kilala siya sa mga public speaking engagements, fashion statements, at pagiging host sa iba’t ibang events.
Namataan si Catriona sa Singapore na nakasuot ng stunning Gaga-inspired look habang nanonood ng concert. Ibinahagi niya ang experience sa social media, kung saan marami ang humanga sa kanyang fashion sense. Tinawag pa siya ng ilan na “Philippine Gaga.”
Sa wakas ay nagsalita na si Catriona ukol sa romance rumors sa kanila ni Mayor Vico. Ayon sa kanya, wala raw romantic angle sa pagitan nila at wala ring namumuong espesyal. Nilinaw niyang simpleng follow lang ang lahat at hindi raw dapat ito gawing big issue.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh