Boobay, muling hinimatay habang nasa entablado sa isang event sa Batangas
- Muling hinimatay si Boobay habang nagpe-perform sa summer outing ng Furukawa Automotive Systems LIMA Philippines, Inc
- Kitang-kita sa video ang unti-unting pagbabago sa kilos ng komedyante bago ito himatayin
- Naagapan ng staff at mga malapit na audience ang tuluyang pagbagsak ni Boobay
- Maraming netizens ang nanawagan sa komedyante na magpahinga at pangalagaan ang kanyang kalusugan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagulat at nabahala ang mga audience ng komedyanteng si Boobay sa isang kamakailang event sa Batangas matapos siyang makitaan ng kakaibang kilos bago tuluyang himatayin sa gitna ng kanyang performance.

Source: Facebook
Naganap ito sa Falp Summer Outing na inorganisa ng Furukawa Automotive Systems LIMA Philippines, Inc. Ayon sa isang video na ibinahagi sa TikTok, outdoor ang venue at may pansamantalang bubong lamang. Makikitang masigla pang nakikipagkulitan si Boobay sa mga manonood at hinalikan pa ang isang audience member. Ngunit matapos ang ilang hakbang pabalik ng entablado, makikita na unti-unti nang bumabagal ang kanyang galaw.
Dumating sa punto na napahinto siya at muntik nang matumba. Mabuti na lamang at mabilis ang naging tugon ng staff at mga audience sa kanyang paligid kaya hindi siya tuluyang bumagsak. Agad siyang inalalayan at inalok ng tulong, bagay na muling nagpaalala sa publiko ng kalagayan ng kanyang kalusugan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang noong Abril 2023 sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Boobay na siya ay may iniindang health condition. Sa naturang interview ay nagkaroon din siya ng silent seizure, dahilan para mag-alala ang host na si Boy Abunda. Dahil dito, pinayuhan siya ng GMA management na pansamantalang magpahinga mula sa mga showbiz commitments.
Hindi ito ang unang pagkakataon na muling bumalik ang sintomas. Noong Mayo 2024, habang nasa isang show sa Aparri, inatake siyang muli ng silent seizure. Ngayon, sa kabila ng paalala mula sa management at ng mga tagasuporta, tila patuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho — isang bagay na nauunawaan ngunit ikinababahala ng marami.
Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta at paalala. “This is such a sad cycle. Need magpahinga para mabuhay pero need din magwork para mabuhay,” saad ng isang concerned fan. Isa itong paalala sa maraming artista na, sa kabila ng kanilang commitment sa trabaho at pagpapasaya sa mga tao, mas mahalaga pa rin ang kalusugan at kapakanan.
Si Norman Balbuena, mas kilala sa screen name na Boobay, ay isa sa mga kilalang komedyante sa bansa. Bukod sa kanyang mga pagpapatawa sa telebisyon at pelikula, nakilala rin siya sa mga live shows at hosting gigs. Sa kabila ng mga hamon sa kanyang kalusugan, patuloy niyang pinapasaya ang publiko sa pamamagitan ng kanyang natatanging brand ng comedy.
Sa isang ulat ng KAMI.com.ph, nagbigay ng update si Boobay matapos siyang mawalan ng malay habang nasa isang show. Nagpasalamat siya sa mga nag-alala at tiniyak sa lahat na siya ay nagpapagaling. Bagama’t hindi niya idinetalye ang buong kondisyon, malinaw na kinikilala niya ang pangangailangang alagaan ang sarili.
Isa sa mga viral moments kamakailan ay ang mainit na harapan nina Boobay at Karen delos Reyes sa Extra Challenge. Ayon sa artikulo ng KAMI.com.ph, maraming netizens ang natuwa sa kanilang "bardagulan" na puno ng katatawanan at walang personalan. Patunay ito na kahit may mga iniindang kondisyon si Boobay, patuloy pa rin siyang nagdadala ng aliw sa screen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh