Ruffa Gutierrez, natanong tungkol kina Richard at Barbie: "Naguguluhan na ako sa kanila”
- Natanong si Ruffa Gutierrez tungkol sa relasyon nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial
- Inamin niyang naguguluhan siya sa sitwasyon ng dalawa at wala siyang kasiguruhan
- Nasabi rin niya ang pangalan ni Barbie Imperial imbes na Barbie Forteza habang iniendorso ang “Beauty Empire”
- Natawa si Ruffa sa sariling pagkakamali at nagbahagi rin ng love advice kina Barbie at Kyline
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Viral at patok sa mga manonood ang naging blooper ni Ruffa Gutierrez sa live interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong June 12, 2025. Sa kalagitnaan ng promo para sa kanyang bagong Kapuso drama series na “Beauty Empire,” hindi napigilan ni Ruffa ang matawa sa sarili matapos niya sanang banggitin si Barbie Forteza — ang kanyang co-star — pero “Barbie Imperial” ang lumabas sa kanyang bibig.

Source: Instagram
“This is directed by Mark Sicat dela Cruz with Barbie Imperial… Barbie Forteza! Oh my God... Imperial,” natatawang reaksyon ni Ruffa. Nang mapagtanto ang pagkakamali, halatang nabigla at napakamot na lang sa ulo si Ruffa habang humingi ng paumanhin. “I am so stressed… wait!”
Nagkaroon din ng follow-up question si Boy Abunda tungkol sa rumored relationship ng kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez kay Barbie Imperial. Sagot ng aktres, “I don’t know. Isa pa yon… minsan bumpy, minsan okay. Naguguluhan na ako sa kanila!” sabay tawa.
Inilahad din ni Ruffa na ito ang unang beses niyang makatrabaho sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ikinatuwa niya ang kabaitan ng dalawa, lalo na si Barbie na laging may "po" at "opo" sa bawat usapan. “Napakabait, silang dalawa… Super sweet, super simple, and napakahusay umarte,” pahayag ni Ruffa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin nakaligtas sina Barbie at Kyline sa “love advice” ni Ruffa habang nasa set sila. Kabilang sa kanyang mga payo ang huwag mag-live in at piliin ang taong mas matagumpay kaysa sa kanila. “Have self-respect and wait for the person that’s really deserving of your love. Don’t settle for less,” diin niya.
Sa parehong panayam, inamin din ni Ruffa na may pinagdaraanang “bump” sa relasyon nila ng aktor at dating senador na si Herbert Bautista. Hindi man niya idinetalye, ipinahiwatig niyang hindi sila kasalukuyang in good terms.
Si Ruffa Gutierrez ay isang aktres, dating beauty queen, TV host, at anak ng showbiz personalities na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Kilala siya sa kanyang matatag na personalidad bilang ina at career woman. Matapos ang maraming taon sa showbiz, muling tumuntong si Ruffa sa Kapuso Network sa pamamagitan ng “Beauty Empire.”
Barbie Forteza ay isang award-winning Kapuso actress na kilala sa husay sa pagganap sa mga drama at historical series. Samantalang si Barbie Imperial ay isang aktres na dating Kapamilya, na naging sentro rin ng showbiz buzz dahil sa mga ugnayang naiuugnay sa kanya.
Lubhang nag-alala si Ruffa sa naging emergency health scare ng kanyang inang si Annabelle Rama. Ayon kay Ruffa, nanalangin siya at pinasalamatan ang mga doktor na nag-asikaso sa kanyang ina. Sa kabila ng busy schedule, nananatiling pamilya ang top priority ng aktres.
Masayang nag-reunite sina Lorin at Venice Bektas sa kanilang ama na si Yilmaz Bektas sa Turkey. Isang heartwarming na tagpo matapos ang mga taong pagkakahiwalay at mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya. Ibinahagi ni Ruffa ang kanyang suporta sa muling pagkakalapit ng kanyang mga anak sa kanilang ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh