Marvin Agustin, naloka sa tanong ni Carlo Aquino sa kanyang pic: "Anak ng! Bawal ka dito"

Marvin Agustin, naloka sa tanong ni Carlo Aquino sa kanyang pic: "Anak ng! Bawal ka dito"

  • Naghatid naman ng good vibes ang kilalang aktor na si Marvin Agustin sa social media
  • Kamakailan lang ay nag-post si Marvin ng lumang photo niya na kuha pa noong 1995
  • Dito ay ikinuwento ng aktor ang kanyang experience sa isang Mexican restaurant noon
  • Ngunit tila nag-agaw-pansin naman ang komento ni Carlo Aquino sa post na ito ni Marvin

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Marvin Agustin, isang kilalang aktor, ay naghatid ng good vibes kamakailan lang sa social media dahil sa nakakatawang reaksyon niya sa tanong ni Carlo Aquino sa isang lumang litrato niya.

Marvin Agustin, naloka sa tanong ni Carlo Aquino sa kanyang pic: "Anak ng! Bawal ka dito"
Photos: @marvinagustin, @jose_liwanag on Instagram
Source: Instagram

Noong Monday, January 9, nag-post si Marvin ng throwback photo mula pa noong 1995, kung saan kasama niya ang ilang kaibigan sa isang Mexican restaurant na tinawag na Tia Maria’s.

"Grabe this was 1995, TIA MARIA'S Mexican Restaurant days! Dito ko natuto respetuhin at mahalin ang kahit na anong klaseng trabaho. Dito, all around kami kasi mahina ang benta namin nun," panimulang kwento ni Marvin sa kanyang now-viral post sa Instagram page niya.

Sa nasabing post ay inalala pa nga ng aktor kung paanong paikot-ikot ang kanilang mga gawain sa loob ng isang araw: "I remember in a day ikot ang mga responsibilidad namin: Waiter, Bar Tender, Kitchen Help, Cashier, minsan Sekyu or Janitor, Local Store Marketing. LAHAT! Hahaha."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa dulo ng kanyang post, nagbigay pa siya ng inspiring message para sa mga taong patuloy na nagsusumikap: "Ang sarap pagdaanan at kuhanan ng leksyon ang mga panahon na susubukin ka ng buhay. Kaya LABAN LANG NG LABAN. Walang makakatalo sa taong ayaw magpatalo!"

Ngunit ang pumukaw ng atensyon ng netizens ay ang tanong ni Carlo para kay Marvin sa comment section ng huli: "Ano yung TIA MARIA'S, Kuya?" na sinagot naman ni Marvin sa nakakatuwang paraan: "Anak ng!!! Bawal ka dito haha matulog ka nga sa tanghali, bata ka."

Umani ng tawa at reaksyon mula sa mga followers ang palitan ng komento ng dalawang aktor.

"Parang sumakit yung tuhod ko sa tanong ni Carlo HAHAHAHA," sabi ng isang netizen habang napa-joke naman ang isa sa comments, "Grabe, I feel older bigla ha. Tawang tawa ako eh."

Si Marvin Agustin ay isang kilalang Pilipinong aktor, chef, host, at negosyante. Nakilala siya sa mga sikat na serye at pelikulang tulad ng Gimik, Esperanza, Labs Ko Si Babe, at Kutob. Bukod sa pag-arte, nag-host din siya ng mga palabas gaya ng Kitchen Superstar. Bukod sa showbiz, isa rin siyang matagumpay na negosyante sa larangan ng pagkain. Sa kasalukuyan ay pinagsasabay naman ni Marvin ang kanyang buhay bilang isang magaling na aktor, chef, at negosyante.

Noong January 2025, nagulat si Marvin Agustin sa post ni Jolina Magdangal. Kanina, binati ni Jolina si Marvin sa Instagram para sa kanyang kaarawan ngayong taon. Gayunpaman, nagulat ang aktor sa mga litratong ibinahagi ni Jolina. Sa kabila ng mga larawan, nagpasalamat pa rin si Marvin kay Jolina para sa taos-pusong mensahe nito.

Samantalang, noong February 2025 naman ay nagsalita si Marvin Agustin tungkol kay Jolina Magdangal. Na-interview kasi sila ni Karen Davila sa YouTube. Sa panayam ay tinanong ni Karen si Marvin tungkol sa kasal ni Jolina noong 2011. Ipinaliwanag ng aktor kung bakit siya nagpasya na hindi dumalo noon sa espesyal na araw ni Jolina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco