Katrina Velarde sinupalpal ang mga nega sa kanyang surgery: "My body, my choice"

Katrina Velarde sinupalpal ang mga nega sa kanyang surgery: "My body, my choice"

- Palaban na sinagot ni Katrina Velarde ang mga netizen na pumuna sa kanyang desisyon na ipatanggal ang silicone implant sa kanyang ilong

- Nilinaw ng singer na ito ang pangalawang beses na kinailangan niyang sumailalim sa surgery matapos magkaroon ng komplikasyon ang implant

- Hindi rin itinanggi ni Katrina ang pagiging bukas niya sa mga cosmetic enhancements at tinawag pa ang sarili bilang isang “android”

- Sa kabila ng mga negatibong komento, nagpasalamat si Katrina sa mga tagasuportang nagpakita ng malasakit at patuloy na nagmamahal sa kanya

Hindi pinalagpas ni Katrina Velarde ang mga mapanghusgang komento ng ilang netizens tungkol sa kanyang desisyong ipatanggal ang silicone implant sa kanyang ilong. Sa serye ng sagot sa social media, matapang at may halong katatawanan niyang sinagot ang mga bashers na tila masyadong naaapektuhan sa kanyang personal na desisyon sa katawan.

Katrina Velarde sinupalpal ang mga nega sa kanyang surgery: "My body, my choice"
Katrina Velarde sinupalpal ang mga nega sa kanyang surgery: "My body, my choice" (📷Katrina Velarde/IG)
Source: Facebook

Matapos mag-post ang isang netizen ng mahabang mensahe na puno ng puna, payo, at panghuhusga, diretsahan siyang sinagot ni Katrina ng, “hi i think it’s my body my choice pero thank you.”

Isa pang commenter na tila hindi man lang binasa ang pangalan niya ay sinagot din niya ng, “Marunong mag comment pero di marunong magbasa ng pangalan?” Nang sabihin pa ng isang netizen na “pangit” daw siya, sagot ni Katrina, “wow hiyang hiya naman kami sa profile picture mong tago ang mukha 😅”

Ang biriterang singer ay kamakailan lamang nagbahagi ng kanyang karanasan kaugnay sa kanyang nose implant removal. Sa isang Facebook video, ipinaliwanag niya na kinakailangan niyang ipatanggal ang implant matapos magkaroon ng komplikasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“I needed to have my nose implant removed as soon as possible, and it takes a while para mag-recover,” ani Katrina. Inamin din niyang ito na ang ikalawang beses na kailangan niyang ipatanggal ang implant; una ay ang Gore-Tex, na agad na ni-reject ng kanyang katawan, at pangalawa ay ang silicone implant na kamakailan lamang tinanggal.

Bukas si Katrina sa katotohanan na siya ay dumaan sa ilang enhancements, at tinawag pa nga niya ang sarili na isang “android.” Sa panayam niya noong 2023 kay Boy Abunda, inamin niya ang mga procedures na pinagdaanan niya kabilang ang chin at lip fillers, non-surgical eyelid enhancement, at rhinoplasty. “Actually, parang important din po kasi nowadays ‘yung physical appearance and I think I’m more confident po na nagpagawa ako,” ani niya noon.

Hindi rin naging hadlang ang operasyon para makasama pa rin si Katrina sa ikalawang gabi ng 98 Degrees concert sa bansa. Bagama’t hindi siya nakapag-perform, personal niyang nakausap ang members ng 90s pop group at muling binalikan ang kanilang collab para sa kantang “I Do (Cherish You).”

Si Katrina Velarde, kilala rin bilang "Suklay Diva," ay isa sa mga pinaka-hinahangaang boses sa industriya ng OPM. Nakilala siya sa kanyang viral videos na nagpapakita ng kahanga-hangang vocal range at birit style. Maliban sa kanyang singing career, naging bukas din siya sa kanyang journey bilang babae na patuloy na hinuhubog ang sarili ayon sa kanyang kagustuhan at kalayaan. Kilala rin si Katrina sa kanyang tapang at transparency pagdating sa personal niyang buhay at mga pinagdadaanang medikal.

Sa isang emosyonal na post, ibinahagi ni Katrina ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang asawa. Marami ang nagpaabot ng pakikiramay at suporta sa singer sa gitna ng kanyang pagdadalamhati. Tinanggap ni Katrina ang pagsubok na ito ng may pananalig at matatag na kalooban.

Sa isang Instagram post, ipinakilala ni Katrina ang kanyang bagong karelasyon makalipas ang ilang buwan mula sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ibinahagi niya ang ilang sweet photos nila ng kanyang partner na agad namang sinuportahan ng kanyang fans. Marami ang natuwa para sa kanya at nagsabing deserve niyang muling maging masaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate