Julia Montes, nilinaw ang isyu ng umano’y love child nila ni Coco Martin
- Si Julia Montes ay nagsalita sa unang pagkakataon tungkol sa matagal nang tsismis na may anak sila ni Coco Martin, na iniuugnay sa child actress na si Zia Grace
- Nilinaw niyang hindi nila anak si Zia, bagamat aminadong kahawig ito ni Coco, at iginiit na may sariling pamilya ang bata
- Giit ng aktres, hindi patas sa tunay na mga magulang ni Zia na madamay sa kontrobersiya lalo na’t nagsisimula pa lang sa showbiz ang bata
- Bukas naman ang aktres sa pagkakaroon ng sariling anak balang araw, at masayang ibinahagi ang pananaw sa buhay pamilya kasama si Coco
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matapos ang matagal na pananahimik, nagsalita na si Julia Montes kaugnay ng kumakalat na tsismis na may "love child" umano sila ni Coco Martin, na iniuugnay sa batang aktres na si Zia Grace, na kasama ni Julia sa seryeng Saving Grace.

Source: Instagram
Sa panayam niya kay Karen Davila, diretsahang pinabulaanan ni Julia ang isyung iyon.
“Zia, when you look at her, she has the same features as Coco... But no, she is not our daughter. Zia has parents of her own,” ani Julia. Aminado siyang pati sila ni Coco ay napapansin ang pagkakahawig ng bata sa aktor, pero mariing nilinaw niyang hindi nila ito anak.
Binigyang-diin ng aktres na hindi patas para sa tunay na mga magulang ni Zia na madamay sa tsismis, lalo pa’t nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“It’s pitiful for her parents. It’s overwhelming,” dagdag niya. Ayon pa sa kanya, masaya sila ni Zia sa kanilang samahan at biro-biro lamang ang sinasabing “uuwi” ito kasama niya. “We really do have a special relationship,” ani Julia.
Naitanong rin kay Julia kung nais ba nilang magkaanak ni Coco balang araw.
“Yes, of course. That’s the happiness in life, family life,” masayang tugon ng aktres. Hindi man nila tuwirang pinapakita sa publiko ang kanilang relasyon, malinaw na may pangarap silang buuin ang isang pamilya sa hinaharap.
Hindi rin nakatulong sa pagsiklab ng isyu ang naging slip of the tongue ni Willie Revillame noong Hulyo 2024 sa kanyang show na Wil to Win, kung saan binanggit nito:
“To Coco, Julia, and your children, family, thank you...”
Bagamat hindi pa rin direktang sinasagot nina Coco at Julia ang naging pahayag ni Willie, tila lalong nabuhayan ng haka-haka ang ilang netizens.
Noong nakaraang taon naman sa premiere night ng Topakk, tinawag ni Coco si Julia na “Nanay,” na muli ring nagpasigla sa mga intriga. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili pa ring pribado at maingat ang dalawa sa kanilang relasyon, na kinumpirma lamang ni Coco noong Mayo 2023 matapos ang 12 taon ng spekulasyon.
Si Julia Montes ay isa sa mga batikang aktres sa kanyang henerasyon. Kilala siya sa kanyang husay sa drama at sa mga proyektong nagbigay sa kanya ng maraming parangal tulad ng Mara Clara, Walang Hanggan, at Doble Kara. Bukod sa kanyang propesyonal na tagumpay, isa rin siya sa pinaka-pribadong personalidad sa showbiz, lalo na pagdating sa kanyang personal na buhay.
Inamin ni Julia na sanay na siya sa mga babaeng naa-link kay Coco, ngunit hindi siya apektado. Ayon sa kanya, tiwala siya sa partner at hindi kailangang patulan ang mga isyung wala namang basehan. Ipinakita nito ang maturity at katatagan ng kanilang relasyon.
Sa parehong panayam kay Karen Davila, masayang ibinahagi ni Julia kung paano siya sinuyo ni Coco sa paraang tahimik pero tapat. Matagal bago nila inamin ang kanilang relasyon, ngunit ang mahabang panahon ng panliligaw ay isa sa mga dahilan kung bakit solid ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh