Michele Gumabao, umaming hinintay ang ama bago magpakasal kay Aldo Panlilio

Michele Gumabao, umaming hinintay ang ama bago magpakasal kay Aldo Panlilio

-Inamin ni Michele Gumabao sa isang panayam na isa sa mga dahilan kung bakit natagalan ang kanilang pagpapakasal ni Aldo Panlilio

-Ito ay dahil umaasa siyang makakalaya ang kanyang ama, si Dennis Roldan, upang siya ay maihatid sa altar

-Masakit man para sa kanya, tinanggap niyang hindi naging posible ang presensiya ng ama sa espesyal na araw, ngunit naniniwala siyang espiritwal itong nakiisa sa pamamagitan ng panalangin

-Ikinuwento rin ni Michele na sa kabila ng pagiging nasa kulungan, patuloy ang suporta ng ama sa kanyang sports career at sa mismong kasal, na sinamahan ng mga payo at dasal

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang emosyonal na rebelasyon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Hunyo 5, ikinuwento ni Michele Gumabao ang malalim na dahilan kung bakit inabot ng walong taon bago niya pinakasalan ang longtime boyfriend na si Aldo Panlilio.

Michele Gumabao, umaming hinintay ang ama bago magpakasal kay Aldo Panlilio
Michele Gumabao, umaming hinintay ang ama bago magpakasal kay Aldo Panlilio (📷@gumabaomichele/Instagram)
Source: Instagram

Isa sa mga matimbang na dahilan ay ang pag-asang muling makakapiling niya ang ama, ang dating aktor at politiko na si Dennis Roldan, na kasalukuyang nakakulong.

“I think, deep inside, I also really wanted to wait if my dad would get out, if makakasama ba namin siya, it was a big factor also for me na parang ayoko pa ikasal. ‘What if next year makalabas siya to walk me down the aisle?’” ani Michele, na hindi naiwasang maging emosyonal habang inaalala ang naging desisyon.

Ikinasal si Michele at Aldo sa Baguio, sa kabila ng matinding ulan sa buong linggo ng kanilang kasal. Para kay Michele, ramdam niya ang panalangin ng ama sa mga panahong iyon, na tila espiritwal na nakiisa sa kanyang kasal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“And I told my dad, sabi ko, ‘Papa, you have to pray because grabe ‘yung ulan.’ I have [been] seeing pictures of the wedding, and I think in that sense, he was there, and that just calmed me down, and my mom would always be enough.”

Dagdag pa ni Michele, hindi nagkulang ang kanyang ama sa pagbibigay ng suporta sa kanya, lalo na sa kanyang sports career bilang volleyball player. Laging siyang binabati at pinapayuhan kahit mula sa loob ng kulungan. Sa kasal nila ni Aldo, ramdam pa rin niya ang presensiya at pagmamahal ng kanyang ama.

Gayunman, hindi nakadalaw si Aldo kay Dennis noong sila ay magkasintahan pa lamang, dahil ayon kay Michele, tanging immediate family lang ang pinapayagang bumisita. Kaya naman, siya lamang ang nakakabisita at nakakausap ng personal ang kanyang ama.

Si Michele Gumabao ay isang kilalang volleyball player, beauty queen, TV personality, at motivational speaker. Nakilala siya bilang miyembro ng De La Salle University Lady Spikers at ng national team ng Pilipinas. Tumanggap siya ng maraming parangal sa larangan ng sports at lumaban din sa “Binibining Pilipinas,” kung saan naging crowd favorite siya.

Ang kanyang ama na si Dennis Roldan, dating aktor at basketball player, ay nakulong simula noong 2005 dahil sa kasong kidnapping. Sa kabila ng pagkakakulong, nananatili itong aktibong bahagi ng buhay ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng komunikasyon at dasal.

Sa isang nakakatawang karanasan, ikinuwento ni Michele ang kanyang pagkagulat nang may isang pulubi sa Singapore na humingi ng tulong at nagpakita ng barcode para sa digital payment. Dahil wala siyang cash noong oras na iyon, nawindang siya sa kakaibang paraan ng paghingi ng donasyon. Ibinahagi niya ang insidente sa social media na ikinatuwa ng kanyang mga followers.

Ibinahagi ni Dani Barretto sa kanyang social media ang ilang behind-the-scenes moments mula sa garden wedding ni Michele. Sa mga larawan, makikita ang setup, mala-fairy tale na ambiance, at emosyonal na mga eksena. Nagbigay din siya ng papuri kay Michele bilang bride, at maraming netizens ang na-inspire sa wedding na puno ng pagmamahalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate